top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ano ang dahilan kung bakit ayaw ni P-Duterte sa kay Marcos?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 17, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 17, 2021


P-DUTERTE AT BONG GO, TUNAY NA SANGGANG-DIKIT—Matapos mag-file ng candidacy for president si Sen. Bong Go noong Nov. 13, 2021, nag-file rin ng candidacy for senator si P-Duterte noong Nov. 15, 2021.


Kamakalawa (Dec. 14), matapos mag-withdraw ng kanyang candidacy for president si Bong Go ay nag-withdraw ng candidacy for senator si P-Duterte.


Patunay ‘yan na sanggang-dikit talaga sina P-Duterte at Bong Go, na ‘ika nga ay walang iwanan, na kung ano ang pasya ng isa ay ‘yun din ang pasya ng isa, boom!


◘◘◘


P-DUTERTE, MAY SAMA NG LOOB KAY MAYOR SARA?—Noong umaga ng Dec. 14 ay inanunsiyo ni Vice-Presidential candidate, Mayor Sara Duterte-Carpio na ang kanyang ama na si P-Duterte ay kasama na sa senatorial line-up ng tandem nila ni former Sen. Bongbong Marcos, pero kinahapunan ay nag-withdraw ng kanyang kandidatura sa pagka-senador ang pangulo.


Ang pag-atras ni P-Duterte sa laban sa senatorial race ay indikasyon kaya na masama ang loob niya sa kanyang anak?


Kung tutuusin, may dahilan talagang sumama ang loob ng pangulo kasi noong Oct. 2, 2021 ay sinamahan pa ng pangulo si Bong Go sa pagpa-file ng COC for vice-president, tapos ang ginawa ni Mayor Sara nag-file rin ng candidacy for VP para banggain ang manok ng kanyang ama sa pagka-VP, at dahil dito, napilitan tuloy ang senador na mag-withdraw sa VP race, period!


◘◘◘


ANO ANG DAHILAN KUNG BAKIT AYAW NI P-DUTERTE SA KAY MARCOS?—Ang isa pang usap-usapan sa social media ay ayaw umano maging kakampi ni P-Duterte si Marcos sa eleksiyon kung kaya’t umatras ito sa laban sa pagka-senador nang isama siya ni Mayor Sara sa line-up ng BBM-Sara tandem.


Kung susuriin ang mga pangyayari sa mga nakaraang araw ay parang ayaw nga kasi nang mag-file si Bong Go for VP ay wala itong ka-tandem na for president, at nang mag-file si Bongbong ng candidacy for president ay wala rin itong ka-tandem na for VP, na kung tutuusin ay puwedeng mag-tandem ang Bongbong-Bong Go, kaya lang biglang pinag-file ni P-Duterte si Sen. Ronald dela Rosa ng for president para banggain si Marcos, at nang mag-file ng COC for VP si Mayor Sara at makipag-tandem kay Bongbong, atras sa VP race si Bong Go, pero ang ginawa ni P-Duterte ay pinag-file naman ng candidacy for president ang senador at kasunod niyan ay sunud-sunod nang inatake ng pangulo si Marcos


Kaya’t ang tanong: Ano kaya ang malalim na dahilan ni P-Duterte at ayaw niya kay Marcos? Abangan!


◘◘◘


ANG SINUMANG MAGIGING MANOK NI P-DUTERTE, TIYAK NA SUSUPORTAHAN NG MGA DDS—Ngayong kompirmadong out na sa presidential race si Bong Go, sino kaya sa mga presidential candidates ang susuportahan ni P-Duterte?


Bagama’t may pagpapakita na ayaw ni P-Duterte kay Marcos ay puwede pa rin itong mahilot dahil katandem ng anak niya si Bongbong, puwede rin si Yorme dahil naging madikit ito sa kanya, puwede rin si Lacson dahil kaalyado niya ito sa Senado, at puwede rin si Pacquiao dahil dati naman silang magkapartido.


Kung sinuman ang babasbasan ng pangulo ay malaking tulong sa kanila ‘yan tiyak silang susuportahan ng mga DDS, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page