top of page

Annulment kay Kylie, inaayos na… ALJUR, GAME PAKASALAN SI AJ

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 days ago
  • 2 min read

Updated: 23 hours ago

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 5, 2026



Aljur at AJ Raval

Photo: File / IG Aljur at AJ



May ilang psychics ang nagsasabing malaki ang posibilidad na pakasalan ni Aljur Abrenica ang kanyang karelasyong si AJ Raval. Inaayos na lamang umano ang annulment ng aktor kay Kylie Padilla. 


Ayon sa mga malalapit na kaibigan, seryoso si Aljur sa paninindigan sa kanyang obligasyon bilang padre de pamilya. Posible rin daw na madagdagan pa ang anak nila ni AJ.


Kaya naman malabo na ang inaasam ng maraming fans ni Kylie na magkakaroon pa ng balikan ang dating mag-asawa. Kay AJ Raval na raw umiikot ang mundo ngayon ni Aljur Abrenica at handa niya itong pakasalan upang maging legal ang kanilang pagsasama.



Padir, kay Tom kumampi noon…

CARLA, MASAMA PA RIN ANG LOOB KAY REY PJ, UNINVITED SA KASAL



PARA sa amin, tama lang na hindi na mag-react si Rey PJ Abellana at hindi na gawing isyu ang hindi pag-imbita sa kanya sa kasal ng anak na si Carla Abellana. 

More or less, naiintindihan ni Rey ang sitwasyon at damdamin ni Carla.


Nagkaroon sila ng falling out matapos pumanig si Rey kay Tom Rodriguez noong naghiwalay sila ni Carla. Sumama ang loob ng aktres dahil hindi siya sinuportahan at dinamayan ng kanyang ama nang magkaroon ng problema ang kanyang marriage. 


Alam ni Rey na matindi ang sentimyento ng anak at ayaw niyang magtanim ito ng sama ng loob sa kanya. Kaya kahit hindi siya inimbita sa kasal, masaya na si Rey na makita ang anak na muling nakatagpo ng bagong pag-ibig sa piling ng karapat-dapat na lalaki na si Dr. Reginald Santos.



BONGGA ang tambalan nina Dustin Yu at Bianca de Vera. Malakas ang suporta ng kanilang mga tagahanga kaya umabot sa 21 block screenings ang pelikulang Love You So Bad (LYSB), dahilan upang tumaas at lumaki ang kita nito sa takilya. 


All-out ang suporta ng DusBia fans upang patunayan na kaya nilang itaguyod ang kanilang mga idolo. 


Marami rin ang nagtataka kung bakit ganoon kalakas ang karisma ni Dustin sa mga fans. Talagang sinusundan siya ng kanyang mga tagahanga sa halos lahat ng events na kanyang dinadaluhan. Madalas ding may meet and greet ang aktor kasama ang kanyang loyal fans at supporters. Ginagastusan talaga ng mga DusBia fans ang kanilang mga idolo. 


Sa ngayon, maganda ang feedback at reviews sa pelikulang Love You So Bad.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page