ANNE, NOMINADONG OUTSTANDING ASIAN STAR SA SEOUL DRAMA AWARDS 2026
- BULGAR

- 10 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | June 16, 2026

Photo: FB Anne Curtis
Nagpahayag ng tuwa si Anne Curtis sa pagiging isa niya sa mga nominado sa Outstanding Asian Star sa Seoul Drama Awards 2026 para sa role niyang si Mia Hernandez sa Philippine adaptation ng It’s Okay To Not Be Okay (IOTNBO).
Sabi ni Anne, “OMG! I’m so kilig. I don’t stand a chance against the voting power of Jisoo but I’m so grateful to even be nominated.”
Kasama niyang nominado ang co-star niya sa IOTNBO na si Joshua Garcia. Nominado rin si Dingdong Dantes, hindi lang nabanggit kung saang series o movie siya nominated.
Kabilang pa sa mga nominado ang South Korean stars na sina Ji Chang-wook, Kim Woo-bin, Park Bo-young, Lim Yoon-a, Jisoo at Park Ji-hoon.
And speaking of Anne, hinihintay na ng fans nito ang susunod niyang series o pelikula pagkatapos ng hit movie nila ni Jericho Rosales na The Loved One (TLO).
Sana raw ay gumawa pa siya ng maraming pelikula at dalasan din ang pagre-report sa It’s Showtime (IS).
OBVIOUSLY, hindi nabasa ng mga netizens ang caption ni Bianca Umali sa post niya patungkol sa suot niyang gown sa katatapos na Mega Ball 2026. Ang linaw ng caption ni Bianca na sana ay binasa ng mga nag-comment na ginaya niya si Wednesday Addams, isang karakter sa The Addams Family (TAF) movie.
Caption ni Bianca, “Para sa pagdiriwang ng #MEGABall2026 ngayong gabi, suot ko ang isang kuwentong malapit sa aking puso.
“Isang pagpupugay sa Mananambal—ang pelikulang nagbigay sa akin ng pagkakataong makatrabaho ang ating Philippine National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ms. Nora Aunor sa isa sa kanyang mga huling obra sa pelikula.
“Isang pelikulang nagbigay sa akin ng karangalang tanghaling Best Actress, at isang karakter na naging simula ng panibagong yugto sa aking paglalakbay.
“Mula sa pagganap bilang isang mambabarang sa Mananambal, hahakbang naman ako sa mundo ni Ella Arcangel—isa na namang batang mambabarang, ngunit sa pagkakataong ito, siya naman ang lalaban sa halimaw ng Brgy. Masikap.
“A full-circle moment.”
Bukod sa may nagsabing ginaya ni Bianca si Wednesday Addams, may nag-comment pa na si Lady Gaga ang peg niya sa looks niya at tinawag siyang ‘Bianca Gaga’. May nagsabi namang para siyang sina Kylie Jenner at Jenna Ortega.
May nakakatuwa at nakakatawang comments na, “Maganda pero bakit natakot ako sa mata n’ya at kilay n’ya?” “Saan na kilay mo, mhie?” “I hate this look, where are your eyebrows?” at “Kilayan kita, Bianca.”
Sa South Korea naman nanood…
MARIZ, GINAMIT DAW ANG PAGKA-REPORTER PARA MAKABILI NG BTS CONCERT TICKET
NA-BASH at patuloy na ibina-bash si Mariz Umali dahil lang nag-avail siya ng Ticket Purchasing Assistance (TPA) para makakuha ng ticket sa BTS concert. Ginamit daw ni Mariz ang pagiging TV reporter para mabilis na makakuha ng ticket.
Kung anu-ano na ang inakusa kay Mariz na gusto lang namang manood ng concert kasama ang asawang si Raffy Tima. Ang nakakaloka, sa South Korea nanood ang mag-asawa kaya wala silang inagaw na tiket para sa mga Pinoy fans ng BTS.
Sabi ng mga dumepensa kay Mariz, ang mga nang-bash sa kanya ay inggit lang dahil wala silang pambili ng tiket sa BTS na siguradong mahal.
Tanong pa ng mga dumepensa kay Mariz, bukod sa presyo ng tiket, afford daw ba ng mga bashers niya na lumipad sa South Korea para manood ng concert?
Dahil sa mga bashers, limitado tuloy ang puwedeng mag-comment sa Instagram (IG) post ni Mariz tungkol sa BTS concert. Ang ganda pa naman ng reels posts niya at obvious na malapit ang puwesto nila ni Raffy.
Well, na-bash na rin sina Vice Ganda at AC Bonifacio dahil din sa tiket sa BTS concert. Sa komento ng isang fan, parang pera nila ang ginamit ng mga nabanggit para magreklamo.





So happy for Anne Curtis! She really deserves this nomination for her role. I was actually looking for a Font Generator to make some cute celebratory graphics for my social media posts about this news. Go Anne!