top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

ANNE, KA-LEVEL NINA PACQUIAO AT PIA, MAGKAKA-WAX FIGURE NA SA HK

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 3, 2023
2 min read

Updated: Mar 8, 2024

ni Nitz Miralles @Bida | December 3, 2023




Nakaka-happy ang post ni Anne Curtis sa pagkakasama niya sa mga Filipino celebrities na magkakaroon ng wax figure sa Madame Tussauds sa Hong Kong.


Sa ipinost na mga photos ni Anne, namili na siya ng gagamitin sa eyes niya, sinukatan ang mukha, ihuhulma ang mga kamay at namili na rin ng hair color na babagay sa kanya.


“I cannot believe this is happening. So thrilled to share that I will be joining @madametussaudshongkong. Just in case hindi kayo makauwi sa birthday ko. Ito na. Kidding. Haha! Stay tuned! Another dream ANNE-locked!”


Ang daming nag-congratulate kay Anne dahil iba nga naman ang magkaroon ng wax figure sa Madame Tussauds. Kundi kami nagkakamali, pang-apat pa lang siya sa mga Filipino celebrities na may wax figure at sila ay sina Manny Pacquiao, Catriona Gray at Pia Wurtzbach.


Kabilang sa mga nag-congratulate kay Anne ay sina Pia, Luis Manzano, Iza Calzado, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Jasmine Curtis-Smith at marami pang iba.


Sa tanong ng isang fan ni Anne kung kailan matatapos at maidi-display ang kanyang wax figure, next year na raw, kaya expect na marami ang pupunta sa Hong Kong at sa Madame Tussauds para makita ang wax figure ni Anne.




“I’m soo kilig,” ang sagot ni JC Santos nang matanong sa mediacon ng Mallari how it feels to be working finally with Piolo Pascual.


In an early interview, nabanggit pala ni JC na kapag nakatrabaho na niya si Piolo, titigil na siya sa showbiz.


Again, when asked kung tuloy ang plano niyang ‘yun, obvious na nagbago ang kanyang plano.


“Isa si Piolo sa Top 3 reasons kung bakit ko tinanggap ang project na ito. First, the chance to be working with the Mentorque Productions. Second, ang script. And third ay si Piolo. Working with him is great. He is an epitome of a disciplined guy. Nami-miss ko ang lines ko sa scene namin.


He’s a different guy, he’s so generous. I have so much respect, it’s such a privilege. I’m so kilig,” wika ni JC.


Sa Mallari, ginagampanan ni JC ang role ni Brother Lucas, kababata ni Jonathan (Piolo) at tumulong para madiskubre nito ang kanyang past.


Nagustuhan tiyak ni JC ang kanyang role at ang pelikula dahil bukod sa hindi na muna siya magre-retire sa showbiz, gusto pa raw niyang gumanap at gumawa ng marami pang karakter.


Mas makikilala pa natin si Brother Lucas kapag napanood ang Mallari na isa sa official entries sa 2023 Metro Manila Film Festival. Si Derick Cabrido ang director nito na hindi alam kung bakit nalilinya siyang gumawa ng horror films.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page