top of page

Annabelle, sinalo sa utang… SIGAW NG NETIZEN: RAFFY, BIASED 'PAG SIKAT ANG INIREREKLAMO SA SHOW NIYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 5, 2023
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | April 5, 2023




Inulan ng negatibong komento si Ruffa Gutierrez matapos lumabas ang balitang natalo siya sa kasong isinampa ng dalawang dati niyang kasambahay na pinalayas niya sa kanyang bahay.


Narito ang iba't ibang komento at pahayag ng mga netizens…


"Ewan ko lang, ha? Pero, ang daming issue ng family nila sa mga staff nila. Nanay niya, kapatid, pati sis-in-law, napa-Tulfo pa. Naalala ko, P3K lang yata 'yung sinisingil kay Annabelle ng driver na nagpa-Tulfo dati, pero ayaw nilang ibigay. Yes, Marites ako."


"Grabe, 'no? Ang mura na nga ng bayad sa mga katulong sa atin, tapos, may kagaya pang amo like Ruffa. Makikipagsapalaran na lang ako sa ibang bansa. Malaki na ang bayad, makakalabas ka pa ng 'Pinas."


"May namatay pa nga sila before na PA ni Richard. Nu'ng siya 'yung nagmamaneho, nagkaso 'yung biyuda nu'n. Dapat sa ganyan, walang ma-hire na kasambahay o PA. LET THEM DO EVERYTHING! Hindi na babaratin pa nila, 'di na 'yun makatao!"


"P6K yata, Vaks... Napanood ko ang episode nila. Si Sarah (Lahbati) ang tinawagan nila kasi hindi sumasagot si Annabelle. Ang ending, si Raffy ang nag-abono para raw wala nang kortehan kasi maliit na halaga lang naman. 'Di ba, double standard din si Raffy. Kung ordinaryong amo 'yun, malamang, ipinahiya na niya at talagang tatakutin ng kaso. Pero 'pag kilalang tao, willing sumalo ng utang. Lol."


"Nakakawalang sosyal kay Ruffy. Imagine, mura lang 'yung halaga, ipinaabot pang DOLE.


'Kala namin, sosyal ka, Ruffa. Hahaha!"


"Puro buhat-bangko na kind and no kaaway daw siya, but sa mga maids, walang respect.


Kalerks! Truth shall set you free. Congrats sa two helpers!"


"Kind sa mga ka-level nila at sa mga taong magagamit nila, but unkind sa sariling mga staff. Good thing tinulungan ni Guanzon ang mga helpers."


"Teenager pa lang si Ruffa ay laman na siya ng mga magazines noon, sila ng mama niya.


Laging naisusulat ang trato nila sa mga katulong at PA nila."


"No kaaway? Nakisali nga siya sa away ng nanay niya like Amalia Fuentes. Si Shaina, inaway din niya, to think kapatid 'yun ng BFF niyang si Vina Morales. But she always gets away dahil tandem sila palagi ng nanay niya. Her humbling experience was nu'ng time na she was married to Yilmaz (Bektas). After that, balik sa pagkukunwari na naman..."


"Grabe, P13K na lang 'yung naging judgment for indemnity pay. Sana, bayaran na lang n'ya.


Yes, maliit na halaga, pero bakit humantong pa sa ganyan mademanda siya? And 'di siya sumasagot sa demanda. Nalalaman tuloy kung ano'ng pagkatao na mayroon si Ruffa."


"'Yung legit alta, mas mababait pa sa mga maliliit na tao."


"Naalala ko 'yung driver ni Small na ipinag-shopping pa ng mga damit at pasalubong para sa family niya. Ang galante at bait nilang mag-asawa."


"'Di umubra ang pagsipsip sa current admin."


"Yuck 'tong family na ito. Masyado pang sosyal-sosyal, 'di naman kayang bayaraan at tratuhing maayos ang mga helpers nila."


"That's when you really know a person's TRUE character, how they treat other people in their homes. Pangit ng ugali!"


"Naku! Napakagandang babae, pero hindi pala marunong tratuhin nang tama ang mga angels niya. Sana, tingnan naman nila ang mga katulad nina Eduardo, Belo, Kramer, etc. na kasama pa sa mga biyahe nila abroad ang mga kasambahay nila."


Luh! Durog na durog naman si Ruffa. Baka naman may dahilan din ang aktres, 'yun nga lang, hindi pa kasi siya nagsasalita kaya hindi natin alam ang kanyang panig.


Bukas ang aming kolum para sa pahayag ni Ruffa Gutierrez sa isyung ito.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page