top of page
Search
BULGAR

Annabelle, lalong iniinis… SARAH, PINANGANGATAWANAN ANG PAGIGING WALDAS QUEEN

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 18, 2024



Waldas Queen” ang bansag ngayon kay Sarah Lahbati dahil sa akusasyon ni Annabelle Rama na winawaldas lang daw ng kanyang manugang ang kinikita ng kanyang anak na si Richard Gutierrez. 


Panay daw ang shopping ni Sarah at inuubos ang savings nila sa bangko. 


Kinontra ito ni Sarah at nag-post ng sarili niyang bankbook. Nag-post din siya ng bagong biling kotse na pera niya ang ibinayad. At pati na rin ang bagong bahay na kanyang binili ay ipinost ni Sarah sa social media. 


Pati na ang pagbabakasyon nila sa Bohol kasama ang kanyang parents at dalawang anak ay may update rin si Sarah. At ang latest niyang post ay nag-aanyaya pa siyang mag-shopping.


Well, may pagka-sutil din pala si Sarah Lahbati at gusto pang lalong inisin ang kanyang ex-mother-in-law na si Annabelle Rama. Talagang ipinakikita niyang hindi siya mukhang kawawa nang maghiwalay sila ni Richard dahil kaya niyang bumili ng mga bagay na gusto niya.


At sa halip na ma-offend, talagang pangangatawanan na niya ang titulong “Waldas Queen”. Basta sa ngayon ay masaya siya sa kanyang freedom at nagagawa niya ang mga bagay na gusto niya.


At tulad ng nasabi ng isang psychic, walang balikan na magaganap sa kanila ni Richard Gutierrez.

 

0 comments

Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page