Annabelle, kaya botong-boto… HERBERT, LIBRO ANG DALA ‘PAG DUMADALAW KAY RUFFA
ni Nitz Miralles - @Bida | March 7, 2022

May kinilig sa comment ni Ruffa Gutierrez na “Lolll I can relate” sa post ni Mariel Rodriguez na phonepal muna sila ngayon ng asawang si Robin Padilla dahil sa cellphone na lang sila nagkakausap.
Kahit walang binanggit na pangalan si Ruffa, nahulaan agad na si Herbert Bautista ang sa cellphone niya na lang muna nakakausap.
Busy kasi si Herbert sa pangangampanya, kaya hindi sila nagkikita ni Ruffa.
Sayang at hindi na sinagot ni Ruffa ang comment ng netizen na waiting siya na ma-interview silang dalawa ni Herbert.
May mga nagtatanong nga kung kailan nila mapapanood na magkasabay ini-interview sina Ruffa at Herbert. Isa pang tanong, kailan daw ba sasamahan ni Ruffa si Herbert sa kampanya nito?
May good news pala si Ruffa na nai-share sa mga hosts at audience ng It’s Showtime at ito ay ang pagga-graduate niya ng college sa July, 2023.
Kumukuha si Ruffa ng kursong Bachelor of Arts major in Communication Arts under the Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program of Philippine Women’s University.
Sabi ni Annabelle Rama, si Herbert ang nagkumbinse kay Ruffa to go back to school and get a degree. Noong hindi pa busy sa kampanya si Herbert, ‘pag dumadalaw daw ito kay Ruffa, may dalang books.
Magandang influence si Herbert kay Ruffa, kaya naman boto si Annabelle at ang pamilya nila sa senatoriable at suportado nila ang pagtakbo nito.





Comments