top of page

Annabelle, humirit na winaldas ang pera ni Richard…SARAH, IDINISPLEY ANG MGA LUXURY BAGS, SHOES

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 15, 2023
  • 1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 15, 2023




Ayan na, mukhang patola at palaban din itong si Sarah Lahbati dahil kahit nagpayo na ang kanyang foreigner daddy na “Don’t mind dogs barking,” hindi nagpaawat ang rumored estranged wife ni Richard Gutierrez. 

Sa latest Instagram post nga ng nagdeklara nang “free” na aktres, ifinlex nito ang kanyang mga luxury items like Gucci bag, shoes, perfume, shades atbp. na may caption na: “Treat yourself this holiday season.”

 

Prior to this ay pinag-usapan nga ang recent interview ng mom-in-law ni Sarah na si Annabelle Rama, kung saan nabanggit ni Tita A. na trabaho nang trabaho ang kanyang anak na si Richard habang “‘yung isa” naman daw ay travel at waldas lang ang alam. 

 

Walang naging direktang sagot si Sarah sa kanyang mom-in-law, pero dahil sa latest IG post nga niyang ito, waring lalo niyang inasar at pinanggigil much si Tita A na “Oh, heto na ang sinasabi mong pagwawaldas ko sa pera ng anak mo!”

 

Kaya ayan, abangers na naman ang mga Marites kung ano na naman kaya ang magiging bagong post ni Tita Annabelle. 

 

Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page