ANNABELLE: DAHILAN NG HIWALAYANG SARAH-RICHARD, SHOCKING!
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 10, 2023

Nagsalita na si Annabelle Rama hinggil sa mga akusasyon sa kanya ng mga tao kaugnay ng rumored breakup ng anak na si Richard Gutierrez at misis nitong si Sarah Lahbati.
Si Tita Annabelle kasi ang sinisisi ng ibang mga Marites kung bakit naghiwalay ang mag-asawa.
Sa kanyang Facebook at Instagram page ay nag-post ang ina ni Chard at idinepensa ang sarili laban sa mga akusasyon sa kanya.
“Mga Chismosang Marites!!
“Tigilan n'yo na ang gumawa ng maling kwento. Lahat ng lumabas sa sosyal media is all fake news,” simula ni Tita Annabelle.
Aniya ay malalaman din daw ng mga tao ang totoo na ikaka-shock umano ng lahat.
“'Wag n'yo nang dagdagan ang mga maling balita, malalaman n'yo rin ang katotohanan in due time.
“Baka ma-shock kayo at hindi na ako ang lalabas na kontrabida. Malalaman niyo kung sino ang walanghiya na kontrabida. Mali ang bentang n'yo sa akin,” aniya.
“Sino ba ang may gustong maghiwalay sila. Ako ba? Or ang mag-ina.
'Wag n'yong idiin sa akin ang nangyayari ngayon. Ako ang walang alam sa nangyari ang bilis,” patuloy niya.
Nagkuwento rin siya nang pahapyaw sa mga nangyari at sinabing huwag siyang sisihin.
“Nagulat na lang ako, biglang dumating ang nanay at tatay galing ibang bansa. Doon na nag-umpisa ang malaking gulo. 'Wag n'yo ibagsak sa akin ang sisi,” sey pa niya na obviously, ang tinutukoy ay ang parents ni Sarah.
Gigil na gigil na nga raw siyang ikuwento ang nangyari pero pinagbawalan lang siya ng lawyer.
“Kung hindi ako pinagbawalan ng lawyer na magsalita. Mag-enjoy sana ang buong mundo sa sasabihin kung kwento. Gigil na gigil na akong isiwalat ang katotohanan sa pangyayari pero wala akong magawa. Abangan ang susunod na kabanata,” aniya.
Bilang pangwakas, paglilinaw pa ni Tita Annabelle, “Basta ako, ayaw ko silang maghiwalay. Dahil mahal ko ang mga apo ko.”





Comments