Search
  • BULGAR

ANI-Kalikasan - “Motor vehicle emission test, ‘wag suspendihin”

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | July 22, 2020




Hello, Bulgarians! Ang Alagaan Natin Inang Kalikasan (ANI-Kalikasan) ay umapela kay Rep. Rufus Rodriguez (2nd District, Cagayan de Oro City) na irekonsidera ang kanyang bill na suspendihin ang motor vehicle emission test hanggang sa katapusan ng taong ito.


Ang bill, House Resolution 1007 ay base sa madalas na problema sa mahahabang pila ng mga motorista lalung-lalo na sa kanyang lugar na naglagay sa mga tao at ahensiya ng gobyerno sa panganib ng COVID-19 dahil hindi nasusunod ang social distancing.


Ang ANI-Kalikasan ay may isang adbokasiya at ito ay cleaner at greener environment alinsunod sa Clean Air Act na bahagi ng pakikipagtulungan sa Land Transportation Office (LTO) at Department of Transportation (DOTr). Ito ang mga sumusunod na iminungkahing hakbang upang tugunan ang concerns ni Rep. Rodriguez.

  1. Hindi naisasagawa ng emission testing sa “first come, first served” basis na kasalukuyang nakagawian. Sa halip, isang scheduling system ang ipatutupad ng emission testing centers sa kani-kanyang general area of responsibility (GAOR) sa pamamagitan ng text messaging, telephone calls o logbook reservations. Sa kasalukuyan, pinayagan ng DOTr ang lahat ng emission testing centers na magbukas ng Sabado at dagdagan ang daily cap mula 80 hanggang 100 na behikulo. Kamakailan, ang DOTr ay nagsagawa ng pro-active initiative sa pamamagitan ng pagdagdag muli ng daily cap na mula 100 hanggang 120 behikulo, araw-araw;

  2. Upang mabawasan ang pressure ng rush renewal ng registration, maaaring mag-issue si Asst. Secretary Edgar C. Galvante ng LTO ng requisite circular na palawigin ang registration ng motor vehicles ng dagdag na 60 araw mula sa expiry date na walang binabayarang penalty charges upang sumunod sa COVID-19 work protocol;

  3. At ang DOTr sa pamamagitan ni Undersecretary Artemio Tuazon III ay gumawa ng initiative na palawigin ang authorization ng ilang PETCs at MVECTs na napaso, mula Marso 16, 2020 hanggang Hulyo 15, 2020. Pinayagan na ang PETCs at MVECTs na mag-operate hanggang Hulyo 30, 2020 para masilbihan ang publiko nang mas maayos. Ito ay para mas paigtingin ang naunang aksyon ng DOTr na suspindihin ang capping ng emission test at dagdagan mula 80 hanggang 120 na sasailalim sa test bawat lane.

Sa kanyang apela, idiniin ng ANI-Kalikasan, na habang may kamalayan sila sa concerns ng kongresista, may pangamba sila na ang suspension ng emission testing centers sa buong kapuluan ay lubhang makakaapekto sa air quality lalo na sa mga lugar na highly urbanized tulad ng Metro-Manila, Metro Cebu at Metro Davao at ‘di alinsunod na nakamit na ang Clean Air Act.


“Ang naturang suspension ay magdudulot ng negative impact sa emission testing industry na may 25,000 Filipinong mawawalan ng trabaho. Itong malaking numero ay kasama na ang komunidad na kung saan sila nago-operate at libo-libong dependents na umaasa sa industriya,” ayon kay Macario Evangelista Jr., Pangulo ng ANI-Kalikasan.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.