Angry Maxinne, aarangkada sa 3-YO Maiden Race sa Turf
- BULGAR
- Jun 18, 2023
- 2 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | June 18, 2023
Masusubukan ang tikas ni Angry Maxinne pag-arangkada nito sa 3-Year-Old & Above Maiden race na pakakawalan sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, ngayong araw.
Rerendahan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate, makikipagtagisan ng bilis si Angry Maxinne sa pitong tigasing batang kabayo sa distansiyang 1,000 meter race.
May karagdagang premyo na P20,000 na hahamigin ng winning horse owner, ang ibang kalahok ay sina Instant Message, Foot Note, Be Thoughtful, Sky Lover, Keep The Jade, Little Annie at Heroes Of Caloocan.
Posibleng magbigay ng laban kay Angry Maxinne ay sina Sky Lover at Instant Message ayon sa komento ng mga karerista sa social media. "Mahuhusay ang mga kasali kaya lahat puwedeng manalo, kaya tingin ko malaki tsansa ng mga kareristang dehadista sa laban na ito," saad ni Renato Cabradilla, veteran karerista.
Ang nasabing event na ilalarga sa pangalawang karera ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Samantala, pitong karera ang inihanda ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo kaya inaasahang magiging masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Sa unang karera lang tiyak na magandang laban na agad ang mapapanood ng racing aficionados sa ilalargang PHILRACOM Rating Based Handicapping System.
Magbabanatan sa 1,600 meter race ay sina Elegant Lady, Golden Sunrise, Sari Baby, Biglang Buhos, Ambisioso at Palauig.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Ambisioso (5), Palauig (6)
Race 2 - Angry Maxinne (3), Sky Lover (5), Foot Note (2)
Race 3 - Don Lucas (5), Vavavoom (2)
Race 4 - Digital/Waray Na Mayda Pa (2/2A), Crown In My Head (3), Enno Teresa Chair (9)
Race 5 - Caraga Wonder (1), Great Connection (9), Che Che (2)
race 6 - Atomic Bomb (3), Believe Me (7), Real Fair (5)
Race 7 - Jambo (3), Pilya (4), Forbidden City (7)





Comments