top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Angels, sa PVL Finals, PBA, balik PHL Arena?

BULGAR
Apr 5, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | April 5, 2022




Tinapos ni two-time MVP Myla Pablo ang isang matulis na service upang dalhin ang Petro Gazz Angels sa kanilang ikatlong finals appearance at tapusin ang No.1 team na Cignal HD Spikers kagabi sa matindi at mainit na na crucial na do-or-die Game 3 ng best-of-three semifinal series sa bisa ng 25-21, 24-22, 15-25, at 25-21 sa 2022 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa Fil-Oil Flying V Center sa San Juan City.

Muling babalik sa Open Conference finals ang Angels upang maitulak ang 2019 rematch katapat ang undefeated na Creamline Cool Smashers bukas ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City para sa kanilang best-of-three championships. Matatandaang binokya ng Cool Smashers ang Angels sa bisa ng 2-0 lead sa serye upang tumapos bilang runner-ups.

Nagbida para sa Angels si Chie Saet na kumana ng 4pts at 36 excellent sets habang naging masipag ang Angels sa pagkuha ng mga digs sa 76 kumpara sa 65 ng Cignal HD na nawala ang kanilang kapitana na si Rachel Ann Daquis sa third set dulot ng cramps. “Pinaghirapan namin itong mabuti para makabalik kami ng finals. Ngayon sa tingin ko mas matured na yung team para makatapat na kami sa finals,” wika ni Saet matapos ang laro. “Kung ano yung mga kulang namin sa Game 1, winork-out namin para magawan ng paraan kahit kaunti lang yung preparations namin. Mas uhaw kami at gusto naming manalo.”

May tig-17 puntos sina Aiza Montillas at Pablo, gayundin ang 14 ni Remy Joy palma at 12 ni Grethcel Soltones. Nagtapos naman sa 23 pts si Ces Molina para sa HD Spikers na kakalabanin ang Choco Mucho Flying Titans para sa third place simula rin bukas.

Samantala, maaring magbalik ang PBA sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sakaling humaba pa ang serye ng Governors' Cup finals, ayon kay league commissioner Willie Marcial kahapon. Hindi pa nakapaglalaro ang PBA sa mas malaking venue mula nang buksan ang 2019 PBA Philippine Cup finals. Noong 2017 Governors' Cup finals, nakapagpapasok ang PBA ng 54,086 fans sa venue para sa Game 7 ng Barangay Ginebra-Meralco finals. Napagwagian ng Gin Kings ang laro, 101-96.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page