top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Angels at Speed Hitters, hahalo sa 3-way tie leaders

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 23, 2023
  • 1 min read

ni Gerard Arce @Sports | February 23, 2023




Mga laro ngayong araw (Huwebes):

(FilOil EcoOil Centre)

4:00 n.h. – Choco Mucho Flying Titans vs Army Black Mamba

6:30 n.g. – Petro Gazz Angels vs PLDT High Speed Hitters

Makikipagrambulan sa pagsosyo sa 4-way liderato ang Petro Gazz Angels at PLDT High Speed Hitters sa pinakatampok na sagupaan, habang susubukang kunin ng Choco Mucho Flying Titans ang kanilang ikalawang panalo kontra sa wala pang panalong Army Black Mamba sa mas umiinit na eliminasyon ng 2023 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference ngayong Huwebes ng hapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Parehong hawak ang 2-1 kartada, nais ng Angels at High Speed Hitters na makigulo sa three-way tie ng Creamline Cool Smashers, Chery Tiggo Crossovers at F2 Logistics Cargo Movers na kapwa may 3-1 marka.

Nakatakdang magharap ang 2022 Reinforced Conference titlist na Petro Gazz at PLDT sa main game ng 6:30 p.m., ngunit bago ang dikdikan sa puwestuhan ay magbabawi muna Choco Mucho Flying Titans mula sa 2-game losing skid kontra sa kulelat na Army Black Mamba Lady Troopers sa unang laro ng alas-4:00 ng hapon.

Nanumbalik ang mahusay na paglalaro ni 3-time NCAA MVP na si Gretchel Soltones matapos magpamalas ito ng 14 puntos mula sa 13 atake, katulong si Mary Joy Palma na nagbida sa 15pts, habang naging epektibo ang sets ni Djanel Welch Cheng sa 19 excellent sets para bokyain ang Cignal HD Spikers sa 28-26, 25-18, 25-13 nitong Sabado.

Halos lumikha ng triple-double si Jovelyn Prado para sa PLDT upang tulungang ibigay ang unang pagkabigo ng Chery Tiggo ng bumuhos ito ng 12pts, 15 digs at 7 receptions.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page