top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

ANGELINE, SI VICE ANG GUSTONG NASA TABI NIYA 'PAG NANGANAK

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 2, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | April 2, 2022




Para na ring ipinakilala ni Angeline Quinto ang boyfriend at ama ng baby na isisilang niya na si Nonrev Pelayo Daquina dahil sa ipinost na picture nila sa kanyang baby shower, hindi na silhouette o naka-side view ang guy. Nakaharap ito sa camera at nakahawak pa sa tummy ni Angge na malapit nang manganak.


Ang ganda ng ayos ng venue ng baby shower, big event, kaya tiyak na big event din ang panganganak ni Angeline at ang binyag ng baby boy na isisilang na papangalanan nilang Aziel Sylvio.


Malapit nang manganak si Angeline at sa kanyang panganganak, gusto niya, nasa tabi niya si Vice Ganda na very close sa kanya at kabilang sa nag-aalaga sa kanya mula nang pumanaw ang kanyang adoptive mom.


Sa birthday greetings nga ni Angeline kay Vice Ganda noong March 31, sabi niya, “Happy Birthday, ate. Mahal na mahal kita. Sana, sa nalalapit na panganganak ko, nasa tabi lang din kita, para kahit mahirapan ako, masaya lang. I love you always, VG.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page