top of page

ANGELINE, SA MADIR AT KAY REGINE ISUSUNOD ANG NAME NG ANAK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 1, 2022
  • 1 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | February 1, 2022





Naitanong kay Angeline Quinto kung ano ang naisip niyang ipangalan sa kanyang baby na malapit na niyang isilang.


"Kung babae, naisip ko kasi na isunod sa pangalan ng Mama Bob, kasi Sylvia kasi ang Mama, ‘di ba?" aniya.


Naisip din niyang pagsamahin ang pangalan ng kanyang adoptive mother at ng ASAP Natin 'To singer at idol niyang si Regine Velasquez kapag babae ang anak.


"Kasi gustung-gusto ko 'yung name ni Ms. Reg, 'yung Regina. Tapos, nu'ng pinagsama ko 'yung pangalan ni Ms. Reg and tsaka ng Mama Bob, ang ganda ng kinalabasan, Sylvia Regina or Regina Sylvia. Ang ganda, 'di ba? Parang ang sarap-sarap lang pakinggan.


"Ang lalaki, marami pa kaming naiisip. Kaming dalawa ng tatay ng baby ko 'yung nag-iisip. So kung ayaw niya 'yung pangalan na naisip ko, okay lang. Kung ayaw ko naman 'yung naisip niyang pangalan, okay lang sa kanya," pahayag ni Angge, palayaw ng singer.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page