Angelica, todo-inggit… ANNE, NAG-POST NG PICTURE NA UTONG NA LANG ANG TINAKPAN
- BULGAR
- Sep 7, 2023
- 1 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | September 7, 2023

Nangabog si Anne Curtis sa social media dahil sa kanyang latest post at pictorial para sa dadaluhang event ng isang kilalang expensive clothing, shoes and bags brand.
Paano kasi, halos nipple na lang ni Anne ang natatakpan sa kanyang malusog na dibdib suot ang metallic-sequined-Gucci bra top at black square pants.
Caption ni Anne: “Iconic runway piece in time for the opening of the new @gucci house in Manila.”
Ilang oras pa lang na nai-post ni Anne ang kanyang makaluwa-matang Gucci bra-top ay umabot na agad sa mahigit kalahating milyon ang nakuhang reaksiyon nito sa Instagram.
At sa comment section, agad na dumagsa ang post ng mga celebrity friends ni Anne at naglabas ng kani-kanilang reaksiyon sa napakaseksing pose nito on her IG account.
Isa na riyan ang kanyang “kambal” na si Angelica Panganiban na kasalukuyang nasa Sydney, Australia with her partner na si Gregg Homan na nakatira roon at kasama rin ang kanilang firstborn na si Amila Sabine or “Baby Bean”.
Comment ni Angelica, “Tigil mo na ‘to, kambal. Ayoko na mainggit.”
Reply ni Anne sa comment ni Angelica, “@iamangelicap KAMBAAAAL. Naniniwala ako na gagawin mo rin ‘to pag-3 na si Amila Sabine.”
Gulat at nagbabagang apoy naman ang comment ng iba pang celebrity friends ni Anne gaya nina Ruffa Gutierrez, Maine Mendoza, Liz Uy at pati na ang ina ni Anne kung saan nga siya nagmana ng pagkakaroon ng malusog na dibdib — si Carmen Curtis-Smith.




Comments