ANGELICA, SA PRIVATE ISLAND GAGAWIN ANG BEACH WEDDING
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 1, 2023

Mukhang nalalapit nang ikasal si Angelica Panganiban sa kanyang fiancé na si Gregg Homan.
Nabanggit kasi ng aktres na naghahanap na siya ng venue para sa kanilang wedding.
Sinabi ito ni Angelica sa tsikahan nila ng mga kaibigang sina Kim Chiu at Bela Padilla na inilabas ni Chinita Princess sa kanyang vlog.
Sa isang bahagi kasi ng video ay may tanong kung mas gusto ba nila ang mag-travel abroad or dito lang sa bansa.
Ayon kay Angelica ay naghahanap siya ngayon ng isla sa Pilipinas. "Ako, naka-look out ako ngayon sa mga private islands sa Philippines. Kasi, as you all know, engaged na ‘ko," sey ni Angelica, na ikinakilig nina Bela at Kim.
Tanong ni Bela, "Naghahanap ka ng wedding place?"
Sagot naman ni Angge, "Yes." Sigawan sina Kim and Bela.
Pero, 'yun pa lang naman ang naibigay na detalye ni Angelica kaya abangan na lang natin ang susunod na update niya.
Kung naghahanap siya ng private island, ibig kayang sabihin nito ay gusto niya nang magkaroon ng beach wedding?
Samantala, nakita rin sa video si Angelica na nagpapa-breastfeed sa first baby nila ni Gregg na si Baby Bean or Baby Amila. Ang cute-cute ng bagets at ang lusug-lusog, halatang hiyang na hiyang sa gatas ng kanyang ina.
Sa nasabing vlog pa rin ay naikuwento ni Angelica ang mga pinagdaanang challenges sa pag-aalaga sa kanilang anak bilang first time nga niyang naranasan ito.
"Ultimo mag-reply ng mga simple messages or magbasa ng mga e-mails, hindi mo magawa.
Umihi, hindi mo magawa. Uminom ng tubig, hindi mo magawa," kuwento ni Angelica.
Kaya nang mag-two months old na raw si Baby Bean ay kumuha na sila ng babysitter.
"Six days a week, meron (babysitter). Kasi siyempre, kami naman, tine-treasure namin 'yung Sundays namin na kami lang, para rin ma-appreciate namin siya (Baby Bean) and para rin magkaroon kami ng whole day na kasama siya," sey ni Angge.
Sa first two months daw ay talagang nahirapan siya dahil gabi-gabi siyang puyat. Si Gregg daw kasi ay back to work na rin that time.
Pero kahit may babysitter naman ay super hands-on pa rin daw siya, of course.
Sa tanong na "Would you rather do a teleserye or a movie?" ayon kay Angelica, at this point in time ay mas gusto na lang niyang gumawa ng pelikula dahil nga may anak na siya.
"Mas madaling mag-pelikula, eh, schedule-wise, ha? Siguro, within 15-20 days, nakatapos ka ng isang pelikula, okay na 'yun. Okay na, nagka-budget ka na ulit and na-feed na 'yung hunger mo na umarte. Kaysa si Gregg lang ang laging inaartehan ko, saka 'yung anak ko, kasi parang pagod na rin sila," natatawang sabi ni Angelica.





Your wedding photos, https://wezoree.com/vendors/chicago/photographers/, is really a work of beauty. Your ability to deftly traverse emotions and situations is simply remarkable. The love, excitement, and individuality of each couple you shoot shines through in every shot. You have an incredible talent for capturing the enchantment of weddings via your meticulous attention to detail. You clearly do more than capture images; you create heirloom-quality memories. Having you capture their big day must make the happy couple feel immensely lucky. Your work is an expression of your dedication and talent, and it conveys a lot. Well done, Wezoree!