top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

ANGELICA, PINAIYAK ANG MGA CELEBS AT FANS SA MENSAHE SA ANAK

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 22, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | October 22, 2022




Viral nu'ng Huwebes nang gabi ang black and white picture na ipinost ni Angelica Panganiban sa kanyang Instagram account habang karga at hinagkan ang anak na si Baby Amila.


Kaya nag-viral ay dahil maraming naantig sa caption ng aktres na habang isinusulat namin ito ay kulang 200,000 na ang nag-like at heart with more than 3,000 comments.


Ang caption ni Angelica para sa anak nila ni Gregg Homan, “Pangakong ibibigay ko sa 'yo lahat ng mga hindi ko naramdaman at naipagdamot sa 'kin sa mundong ito at hihigitan ko pa sa kung saang mga bagay na pinalad ako.

“Pangakong hahawakan ko ang kamay mo at hahagurin ko ang likod mo sa tuwing hindi magiging patas ang tadhana sa 'yo.

“Hindi mo lang ako nanay, ako ang magiging pinakamatalik mong kaibigan na handang mapuyat sa mga kuwento mo, na susuporta at tutulak sa 'yo patungo sa pagbuo ng mga pangarap mo.


“Hindi ko kakalimutan ang tunog at pakiramdam ng tibok ng puso mo nang sa gano'n, matulungan kitang buuin ito kapag pakiramdam mo binigo ka nito.


“Handa akong ibigay ang lahat ng lakas ko, dahil napakaliit na bagay nito para sa pagbuo at pagkumpleto mo sa 'kin. Maraming salamat at ginawa mo 'kong isang ina, anak.”


Ang bagong nanay din na si Angeline Quinto ang unang nagbigay ng red hearts at loudly crying face emojis. "Ang sarap maging nanay, at ang sarap mabasa ito,” sey ni Angge.

Red heart emojis din ang comment ni Julia Montes.


At bilang singer ang aktres na si Agot Isidro ay nagtanong siya ng, “Kantahan ko na ba?”

Sabi naman ni Anne Curtis, “(emoji loudly crying) Kambal!!!!!”


White heart emojis ang komento ni Iza Calzado, habang si Maxene Magalona ay loudly crying face at heart eyes emojis.


Red heart emojis naman mula sa TV host/actress na si Jolina Magdangal.


Naiyak din si Liz Uy sa post ni Angelica kaya loudly crying face emojis din ang komento nito.

Red heart emojis naman mula kay Bianca Gonzalez.


Mula sa netizen na si @missjhazaustria, “Napakasuwerte ng pamilya n'yo sa isa’t isa,


@iamangelicap... ang suwerte ni Bean na ikaw ang nanay n’ya at napakasuwerte mo na meron kang isang mala-anghel na anak. Napakasuwerte mo rin kay Gregg na lahat ng pangarap mo, ibinibigay n’ya, pangarap na maging isang ina, ikasal at buong pamilya. Kaya pala ang tagal sa 'yo ibinigay ni Lord kasi tingnan mo naman kung gaano kaganda ang anak mo at kabuti ng mapapangasawa mo. Sana, patuloy pang i-blessed ni Lord ang pamilya n'yo (red heart emojis).”


Obviously, hindi lang mga kapwa celebrities ang masaya para kay Angelica kundi maging ang maraming netizens.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page