ANGELICA, GUSTO NA ULING MAGPABUNTIS SA TATAY NG ANAK
ni Beth Gelena @Bulgary Files | May 4, 2023

Puspusan pa rin ang pagyo-yoga ng aktres na si Angelica Panganiban sa kabila ng pagkakaroon nito ng health condition na "sciatica" o ang pamamanhid, panghihina at pananakit ng mga binti.
Hindi pa rin nagpapigil ang aktres sa pagyo-yoga kahit na may iniinda itong karamdaman.
Ibinahagi ni Angelica ang larawan ng kanyang yoga mat sa Instagram account niya at nilagyan pa ng caption na “After 2 months, I was able to do yoga again. Sciatica ka lang! Si Angge ako."
Sa kanyang vlog noong hindi pa siya nanganganak, hiniling ni Angelica sa partner niya na si na i-foot massage umano siya nito sa unang araw mismo ng kanyang susunod na pagbubuntis.
Ani Gregg, matagal pa naman iyon pero okay lang naman daw sa kanya na gawin iyon para kay Angge.
Meaning, parang gusto na agad sundan ni Angelica ang panganay na anak nila ni Gregg na mag-iisang taon na sa buwan ng Setyembre.
Teka, paano na ang kasal nila?





Comments