top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

ANGELICA, BINIGYAN NG BAGONG YATE NG PADIR NG ANAK

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 15, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 15, 2022


Bago manganak ay nagawa pang sakyan ni Angelica Panganiban ang bagong barko nila ng kanyang live-in partner na businessman na si Gregg Homan sa Subic.


Ipinakita ng "The Homans" ang kanilang boat na may combination of gray and black color sa latest vlog nila sa You Tube.


Ang nakakatuwa pa sa yate vlog ng The Homans ay na-reveal din na talaga palang yacht builder itong si Gregg. Siya mismo ang nagde-design at nagbubutingting ng bawat part ng yate habang ina-assist din ng kanyang staff.


Hindi lang pala tsika-tsika ang balitang pagnenegosyo ng yate ni Gregg at papogi lang sa pagbebenta, kundi knows niya talaga kung paano bumuo ng yate.



No wonder super proud talaga si Angelica kay Gregg at tinawag niyang ‘Gregg, the Boatman’ ang kanyang dyowa.


Makikita rin sa vlog ang opisina ni Gregg at ang gawaan ng yate ng dyowa ni Angelica.


Kalahati ng yate ay ang kuwarto kung saan may maliit na convertible sofa bed. Pabirong sinabi ni Angelica sa vlog na dito nila gagawin ang kasunod ng panganay nila.


Hindi pa nanganganak si Angge sa lagay na 'yan, ha?!


Pero sa true lang, nakaka-happy panoorin sina Gregg at Angelica sa kanilang mga vlogs.


Mapi-feel mo ang authenticity ng magkaibang personalities ng dalawa at ang love nila sa isa’t isa.


“So much love I see in Greg's eyes. It makes me realize that's there's always the right man after every storm you encountered. Stay safe, Angie, and your baby. Hope you have a safe delivery," sey ng netizen.


Tingin nga namin kay Gregg ay pinaghalong John Lloyd Cruz at Derek Ramsay ang kanyang hitsura. Pero siyempre, may sariling awrahan din si Gregg.


And speaking of Derek, kamakailan ay ipinost ng aktor ang advance wedding anniversary gift niya sa misis na si Ellen Adarna na mamahaling Bentley car.


Naku, ha? Kung may Bentley si Ellen, barko naman kay Angelica!


Okey na ‘yung mga ganyang tarayan ng mga ari-arian dahil kita naman na parehong happy ang love life nina Angelica at Ellen. Kesa naman ‘yung pabongga ng jewelries, signature clothes and bags, pero crying in the inside naman ang puso.


Deevah?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page