ANGELICA AT GREGG, SA BEACH SA SIARGAO ANG KASAL
ni Julie Bonifacio @Winner | July 13, 2023

Ibinahagi nina Angelica Panganiban at Gregg Homan sa kanilang YouTube channel na The Homans ang magiging venue para sa kasal nila sa susunod na taon.
Nagpunta sa Siargao island ang pamilyang Homans para mag-ocular sa venue ng wedding nila. Sa isang mamahaling resort gaganapin ang kasal nina Angelica at Gregg.
Sa video ay mapapanood ang mga masasayang ganap ng mag-partner, pati na ng baby nila na si Amila Sabile or si Baby Bean.
Walang duda na beach wedding talaga ang pipiliin nina Angelica at Gregg. Sabi nga ni Angelica sa vlog nila, “Ocean is Greg’s most favorite place.”
Nagtataka nga kami kung bakit hindi na lang sa Subic ang venue ng kanilang wedding.
Pero siyempre, may sariling rason sina Angelica at Gregg kung bakit mas feel nila na sa Siargao gawin ang kanilang kasal.

Maybe, they want a venue na something new for them. At saka, napakaganda naman talaga sa Siargao.
“God is so good. God gave you a beautiful family, Ms. Angelica. So happy to see you, guys! Can't wait for the wedding day. God bless!” sey ng isang netizen.
Instant star naman si Baby Bean sa mga viewers ng YouTube channel nina Angelica at Gregg na The Homans. Aliw na aliw ang mga netizens sa mga napaka-cute na antics ng baby girl ng soon-to-be married couple.
“Napakaganda ni Bean! Parang anghel talaga siya kung ngumiti, super duper cute pa. Nakaka-happy sa heart makita ‘yung smile niya.”
“Lagi kong inaantay ang vlog ng mga Homans. Giliw na giliw ako kay Baby Bean, ang saya-saya palagi! Bungisngis din siya like her mother, Angelica.”
True.





Comments