top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

ANGEL: 'WAG BUMOTO NG KORUP, SINUNGALING, TAMAD AT NAGMAMANIPULA NG BATAS!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 10, 2022
1 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | February 10, 2022




Sa kasagsagan ng isyu kay Toni Gonzaga, nanawagan ang aktres na si Angel Locsin sa mga Pinoy ngayong simula na ng kampanya para sa mga presidentiable.


Isang piktyur na may "Never Again!" phrase in neon red lights ang ipinost ni Angel sa kanyang Instagram kahapon.


Caption ni Angel: “Ngayong simula na ang kampanya, at ang mga pulitiko are putting their best foot forward. PLEASE LANG - Kilatising mabuti ang bawat pulitiko.


“Huwag bumoto ng may bahid ng kurapsyon, sinungaling, nagmamanipula ng batas, tamad, malabo at hindi makatotohanang plano sa bansa.


“Kaya kung napasaya ko man kayo kahit paano, o kahit para sa sarili n'yo na lang, please lang, VOTE RIGHTLY! Pag-isipan rin kung sino ang susuportahan!”


Sinang-ayunan naman ng mga netizens ang kanyang panawagan.


“The fight of our lives! Tumitindig kasama mo, Ate!”


“NEVER AGAIN”


“Tamah queen!!!!”


May netizen din ang nag-request na makita si Angel sa kampanya ni presidential aspirant VP Leni Robredo.


“GO MAMA ANGEL! MAKE ME PROUD. CHAR! Sana, kasama ka na ni VP Leni sa campaign.”


At isama na rin ni Angel sina Angelica Panganiban, Nadine Lustre, Jolina Magdangal, Bianca Gonzalez, Heart Evangelista, Agot Isidro at iba pang kapwa niya “Kakampinks” na mga Kapamilya stars.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page