Angel, ipinu-push… KATHRYN, PABEBE RAW, ‘DI BAGAY SA SERYE NI DANIEL
- BULGAR

- Jul 24, 2025
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | July 24, 2025
Photo: Kathryn Bernardo Official - IG
Hindi itinanggi ng Incognito team na may second season na silang pinaghahandaan due to public demand.
Sa last part ng action serye ay ipinakitang naghahanap na ng good sniper si Kontraktor (Ian Veneracion) para sa role na iniwan ni Baron Geisler bilang si Doc Miguel a.k.a. Jaguar.
Pero, ayaw ng mga netizens na mawala ang karakter ni Baron. Pakiusap nila, lagyan daw ng twist ang ipinakitang pagkamatay ng aktor dahil napakahusay daw nito.
Wala pang statement ang team para sa papel ng aktor.
Ang matindi, may nagre-request na si Angel Locsin na lang daw ang ipalit bilang sniper ng action serye. Akmang-akma sa aktres ang role kung magbabalik siya dahil kering-keri niya ang mag-aksiyon lalo na sa ginawa niya sa The General’s Daughter (TGD).
Ang iba naman ay isina-suggest si Kathryn Bernardo. Pero maraming umalmang avid viewers, ano raw ang gagawin ni Kathryn sa serye, eh, ang alam lang daw nito ay magpabebe, kumpara kay Angel Locsin na natural ang pagiging aktres?
Galing Taal Lake kung saan itinapon ang mga sabungero… GOV. VILMA, KUMAIN NG TAWILIS PARA PATUNAYANG SAFE
PINATUNAYAN ng aktres-governor na si Vilma Santos sa pamamagitan ng pagkain ng mga isdang tawilis na mula sa Taal Lake na malinis ito.
Bumaba kasi ang bentahan nito dahil sa lawa raw itinapon ang mga pinatay na nawawalang sabungero.
Sa Facebook (FB) reel ay kinumbinse ni Gov. Vi ang publiko na ang mga isdang nagmumula sa lake ay safe na kainin despite recent concerns.
Esplika ni Governor Vi, ang tawilis ay ‘non-carnivorous’ o hindi kumakain ng karne at sa halip ay puro halaman lang (phytoplankton).
Kaya naman, wala raw dapat ikatakot ang publiko na baka nakakain ng karneng-tao ang mga tawilis.
Bumaba nga mula sa P250 at naging P100 per kilo na lang ang tawilis dahil bumaba ang demand nito.
Ani ng aktres-pulitiko, “Tawilis, okay, nothing to worry about with all these issues about our Taal. Nothing to worry about.”
Dugtong pa ng Star for All Seasons, “First of all, ang mga isda po natin d’yan like tilapia and bangus, cultured ‘yan. May mga fishpens po na nand’yan na alaga po ang mga ‘yan.
“At ang tawilis po natin, non-carnivorous, hindi ito kumakain ng laman-laman, halaman ang kinakain nito.”
Makumbinse nga sana ni Ate Vi ang mga mamimili dahil kawawa rin ang mga mangingisda na apektado ang kabuhayan dahil sa issue.
KASALUKUYANG nasa London ang dalawang aktor na sina Alden Richards at Daniel Padilla para sa Barrio Fiesta London 2025 at pinagkaguluhan sila roon.
Ang daming komento ng mga netizens na tila enjoy na enjoy sa dalawang guwapong aktor. Pero kapansin-pansin na tila mas marami silang komento para kay DJ.
Sey ng mga netizens…
“Oustanding Philippine actor DJP (Daniel)!”
“Iba talaga ang Pinoy, mahilig kayo magkumpara. ‘Di ba puwedeng maging proud na lang tayo sa kanila kasi sikat sila at ang dami nilang mga fans worldwide?”
“No love team, solo era, the best for idol DJ.”
“‘Wag i-compare ang dalawa, masasaktan lang ang mga Aldog (fans ni Alden ang tinutukoy).”
“Ano namang panama ni Alden kay DJ?”
“So, ano naman? Mas okey pa rin ‘yung may respeto sa babae at marunong makuntento.”
“Mabait kaya si Alden, may respeto s’ya kay Daniel. Sabi n’ya, mabait daw si Daniel, at higit sa lahat, KathNiel po si Alden.”
“Si Daniel Padilla, dinudumog ng mga fans kahit saan. Buong mundo, nagmamahal kay DJ, very kind and humble.”
Oo nga naman, huwag nang pagkumparahin sina Daniel at Alden. Kahit ano pa ang sabihin ng mga bashers ay talagang sikat ang dalawang aktor. May kani-kanya silang katangian na nagugustuhan ng mga fans.






Comments