Ang taraaaay! MARICEL, GAGAWA NG MOVIE KASAMA NG MGA HOLLYWOOD STARS
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 26, 2022

May gagawin umanong Hollywood movie project si Diamond Star Maricel Soriano.
Transgender rom-com movie ito kung saan isa siya sa mga bida kasama ang ilang Hollywood stars.
Walang nasabi ang mga fans ni Marya kundi "Inaaaay" dahil sa katuwaan.
Binati rin at nag-congratulate kay Maricel ang mga kaibigang beki.
"Congrats!" anila, saka sinabihang "Taray" ang codename ng mahusay na aktres.
"Yes!!! Good luck! Her talent deserves international recognition."
"She’s back. Inay! Nakaka-excite!"
Samantala, intriguing naman ang komento ng isang netizen na "Arayyyy!!! May masasaktan!!!"
May sumagot dito ng, "Meron talaga! Pero I don't think ipapaalam niya ang tunay na feelings niya."
Sabi naman ng isa pang Marites sa usapan, "Ay gurl, 'wag mong i-trigger. Gagawa na naman 'yun ng nobela."
"True! 'Di ba, 'di natuloy 'yung super press release na Hollywood kemerut niya? Baka in few days, magpo-post."
Hmmm… Kung tama ang pang-unawa namin base sa usapan ng mga Marites na netizens, si Megastar Sharon Cuneta ang pinariringgan nilang magre-react sa Hollywood movie ni Marya dahil kung matatandaan, last year ay nag-emote si Sharon nang hindi matuloy ang dapat ay gagawin niyang Hollywood movie nang mag-false positive siya sa COVID-19.
Samantala, bitter-bitter-an naman ang isang netizen sa comment na, "Low budget or extra lang siya for sure."





Comments