top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Ang tagal itinago… KRISTOFFER, UMAMING MAY 4-ANYOS NA ANAK NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 23, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | January 23, 2021




Naging emotional si Kristoffer Martin nang aminin kay Nelson Canlas sa 24-Oras na may four-year-old daughter na siya sa non-showbiz former girlfriend. Precious Kristin daw ang full name ng bata.


Sabi ng isa sa cast ng Babawiin Ko Ang Lahat ng GMA-7, kaya hindi niya ipinaalam na may anak na siya ay para sa privacy ng bata. Pero ngayong inamin na niya, libre na si Kristoffer na i-post ang picture ng anak.


Nakalulungkot lang na kung kailan inamin ni Kristoffer na may anak na siya ay hiwalay na sila ng ina nito. Sabi nito kay Nelson, “hindi nag-work” ang relasyon nila at nasa nanay niya ang bata.


Aminin naman kaya ni Kristoffer na kaya raw sila naghiwalay ng nanay ng anak niya ay dahil sa third party? Nali-link siya ngayon sa co-star niya sa Babawiin Ko Ang Lahat na si Liezel Lopez na tama ba kaming gumaganap na kapatid niya sa nasabing afternoon series?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page