Ang sakit daw mabuhay sa ‘Pinas… VICE: MERONG ‘DI PUMAPASOK, DAANG-LIBO ANG SUWELDO
- BULGAR

- May 3
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 3, 2026

Photo: Vice Ganda - IG
Nagsalita na ang Unkabogable Star na si Vice Ganda tungkol sa hindi patas na sahod ng mga manggagawang Pilipino.
Saad ni Vice, “Ang sakit (mabuhay) sa Pilipinas, ang daming nagtatrabaho pero ‘di sumusuweldo nang sapat.
“Merong ‘di pumapasok, pero ang laki ng suweldo. Tapos, wala tayong magagawa?
“Imagine mo, mamamayang Pilipino, nagtrabaho ng 8 oras, nag-jeep, nag-LRT (Light Rail Transit), binaybay ang tanghali, ang araw, ‘di nakakain, minimum ang suweldo.
“Merong ‘di pumapasok, daang-libo ang suweldo. It’s just not fair. It’s so alarming.”
Well, sad to say, mahirap maging mahirap.
Hawak ang urn ng kanyang ama na si Ricky Davao, nagbahagi ang aktres na si Ara Davao ng larawan sa kanyang Facebook (FB) post na may kalakip na mensahe para sa first death anniversary ng magaling na aktor.
Saad ni Ara, “Dear Pa, I can’t believe we made it through one whole year without you.
“Some days, it just feels like yesterday because the pain never left. I’ll miss and love you forever, Pa.
“I’ll keep trying to live in a way that will honor you and make you proud.
“One year and a lifetime to go. Miss you so much, Pa.”
Matatandaang pumanaw ang mahusay na aktor na si Ricky Davao noong Mayo 1, 2025, sa edad na 63. Siya ay isang batikang aktor at direktor sa Pilipinas na pumanaw dahil sa kanser.
BONGGANG Santacruzan ang magaganap sa Barangay Libid, Pista ng Krus sa Binangonan ngayong May 3, 6 PM.
Inaabangan na rito ang beauty queen-TV host na si Rabiya Mateo bilang Reyna Elena at ang kanyang konsorte na si Ryke Reyes, na gumaganap sa programang Pepito Manaloto (PM) at Sparkle artist ng GMA Network.
Lalahukan din ito ng mga naggagandahan at nagguguwapuhang konsorte.
Ito ay sa pamumuno ni Bgy. Chairman Gil ‘Aga’ Anore at ng project director na si Gomer Celestial.
Kalahok din sa nasabing sagala ang Reyna at Konsorte ng Santacruzan 2026.
“SA bawat manggagawang Pilipino, kayo ang tunay na lakas ng ating bayan,” ang pahayag ng aktor na si Robin Padilla sa kanyang social media post.
Dagdag pa niya, “Ang inyong pawis at sakripisyo ang nagpapatakbo ng ating ekonomiya at nagbibigay-dignidad sa bawat pamilya.
“Sa araw na ito, naninindigan tayo: makatarungang sahod, ligtas na trabaho, at respeto sa karapatan ng manggagawa.
“Mabuhay ang uring manggagawa. Mabuhay ang Pilipinas.
“Wa alaikum assalam wa rahmatullahi wa barakatuh.”
Anyway, salamat, Sen. Robin Padilla, sa pagpapahalaga sa manggagawang Pilipino.
Kahit break na… ENRIQUE, UMAMING MAY KONTAK PA RIN SILA NI LIZA
Ibinulgar ni Enrique Girl na matapos ang kanilang breakup ni Liza Soberano ay may bahagi ng kanilang bond na nanatili.
Sa panayam ay kinumusta ni Karen Davila kay Enrique ang ex-girlfriend nitong si Liza.
Tanong ni Karen, “How are you today, both of you? Are you in touch? Are you on good terms?”
Sey ni Enrique, “Yeah, I would say we’re not that in touch, but we are still in touch at times, especially when important things happen in our lives.
“Maybe just to check on each other. But yeah, I mean my life is all here and her life is there, and I just really wish her all the best, of course.
“And I really hope everything works out for her there and all her dreams will come true. I’m happy for whatever is going on for her right now. But yeah, we’re just not as in touch as before. We’re just so busy.”
Well, at least, naging maayos ang kanilang paghihiwalay.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments