top of page

Ang sa DOJ: Ibalik ang imbestigasyon ng CIDG sa kaso ng mga nawawalang sabungero

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 18
  • 1 min read

by Info @News | October 18, 2025



Atong Ang / DOJ

Photo:Atong Ang / DOJ



Hiniling ng negosyanteng si Charlie 'Atong' Ang sa Department of Justice (DOJ) na ibalik sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang imbestigasyon ng kaso ng mga nawawalang sabungero.


Sa kanyang sinumpaang salaysay na isinumite sa DOJ, si Ang, sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Gabriel Villarreal, iginiit niyang ibalik ang kaso sa CIDG para sa wasto at walang kinikilingang imbestigasyon.


Sinabi ni Gabriel na tanging isang kapani-paniwalang reinvestigation ng kaso ng pulisya ang hahantong sa isang matibay na pagbuo ng kaso ng DOJ panel, na katanggap-tanggap sa lahat ng partido.


Kasama ang kanyang mga abogado, lumantad si Ang sa DOJ upang ihain ang kanyang sinumpaang kontra-salaysay na nagpapabulaan sa lahat ng mga paratang na ibinato laban sa kanya ng nagpakilalang whistleblower na si Julie "Dondon" Patidongan.


Sinabi ni Gabriel na walang sala si Ang sa lahat ng mga akusasyon na ibinato sa kanya ni Patidongan, na sinabi nilang tunay na utak ng karumal-dumal na krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page