Ang mister na raw ang huli… RUFA MAE, AYAW NANG MAGKA-BF ULI
- BULGAR

- Jan 25, 2025
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Jan. 25, 2025
Photo: Rufa Mae Quinto - IG
Hindi pa rin alam ni Rufa Mae Quinto kung ano na ang mangyayari sa relasyon nila ng mister na si Trevor Magallanes.
Matatandaang nag-release ng statement ang Fil-Am hubby ni Peachy (nickname ni Rufa Mae) last December na pinoproseso na raw ang kanilang divorce.
Pero sa panayam ni King of Talk Boy Abunda sa sexy comedienne kamakailan ay sinabi niyang wala pa raw silang pina-file na divorce.
Ganito rin ang sinabi niya sa latest interview naman sa kanya ni Ogie Diaz at aniya ay hindi raw talaga niya alam kung bakit nagsalita si Trevor ng ganu’n.
“Baka ayaw na talaga n’ya. Siguro, ayaw na n’ya ma-connect sa buhay ko or sa career ko, sa pangalan ko. Hindi ko rin alam, eh. Kaya marami rin akong tanong, hindi ko na rin alam ang sagot or wala na talagang sagot,” aniya.
“Hindi ko nga alam kasi hindi na nga rin ako nagte-text, eh, kasi baka ma-screenshot ulit,” natatawang biro pa ni Rufa Mae.
Matatandaan nga kasing nag-leak ang screenshot sa social media ng palitan nila ng mensahe ni Trevor at dito nga nagsimulang maghinala ang mga netizens na may problema sila.
Pero nilinaw naman ni Peachy na nag-uusap silang mag-asawa simply because may anak nga sila at para sa kanya, legally ay sila pa rin dahil nga wala pang pina-file na divorce.
“Hindi pa naman nag-file ng divorce or what, so wala akong dapat i-share. Pero dahil nagka-screenshot na, eh, di ‘yun na ‘yun. At least nabunutan na rin ako ng tinik kasi s’ya na nag-explain ng lahat in one screenshot,” aniya.
Inamin din naman ng aktres na gusto pa rin niyang magkaayos silang mag-asawa.
“Kumbaga, parang tanggapin ko na kung ayaw na, respetuhin ko ‘yun. Pero ‘yung next action, siyempre, ‘yung anak namin. Pangalawa, baka naman. Baka naman maayos,” aniya.
“Sa edad kong ito, ayaw ko na ring mag-boyfriend. Halimbawa, maghahanap-hanap pa ng bago or iba na naman? Ayoko na ng ganu’n. Okey na ako.
“If ever, s’ya na ‘yung huli. For me, ha? Pero kung ayaw na n’ya, kailangan kong tanggapin,” saad ni Rufa Mae Quinto.






Comments