Ang misis lang ang pinatawad… MATTEO, ‘DI PA RIN TANGGAP NG MADIR NI SARAH
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 3, 2024

Marami ang natuwa sa pagbabati ng mag-inang Sarah Geronimo at Mommy Divine. Sa wakas ay lumambot din ang pusong-bato ng nanay ni Sarah at hindi rin natiis ang kanyang anak.
Mahigit tatlong taon din bago naganap ang pagpapatawad ni Mommy Divine. At tama lang na hindi tumigil si Sarah at ang kanyang mister na si Matteo Guidicelli sa panunuyo kay Mommy Divine.
Patuloy silang nagpapadala ng prutas at regalo sa mom ni Sarah at siyempre, ipinagdarasal din nila na mapatawad na sila nito.
Pero ang hinihintay at tinatanong ng marami ay kung pati ba si Matteo ay napatawad at tinanggap na rin ni Mommy Divine o si Sarah lang?
Anyway, wala kasing naka-post sa social media na larawan nina Matteo at Mommy Divine na magkasama. Pawang larawan lang ni Sarah at ng kanyang ina ang lumabas.
Mas masaya raw sana kung nilubus-lubos na ni Mommy Divine ang pagpapatawad at tinanggap na rin ang kanyang manugang. Tiyak na matutuwa sa kanya ang mga fans ni Sarah.
Pero, okay na rin na maayos na ang gap ng mag-inang Geronimo at puwede nang mapanatag ang loob ng Pop Princess kahit paano.





Comments