Ang minolestiya at nangmolestiya raw… RHYS MIGUEL AT PATRICK, MAGKASAMA NA SA GMA-7
ni Nitz Miralles - @Bida | October 16, 2022

“Magkikita sila,” ang unang reaction ng mga nakabasa sa balitang lumipat na sa GMA-7 si Rhys Miguel, na naging controversial dahil sa isiniwalat sa kanyang Instagram Stories na minolestiya siya ni Patrick Quiroz sa taping ng dating serye nila sa ABS-CBN.
Kaya nasabi ng mga fans na magkikita sina Rhys at Patrick ay dahil sa GMA-7 na may show ang huli. Ibini-build-up ang love team nila ni Thea Astley sa All-Out Sundays at marami na ang kinikilig sa kanila, tapos ay may balitang ganito.
Pero, guest lang yata si Patrick, si Rhys ay ibinalitang isa nang Kapuso. In fact, may show na raw ito kasama ang ilang Kapuso stars.
Ayun, may nag-akusang kaya nag-iingay siya ay dahil lilipat ng network. Si Patrick ay nananatiling off ang comment box sa last post niya, pero ang fans, sa open na comment box nagko-comment at hindi magaganda ang mga sinasabi.





Comments