top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ang mahalaga raw, mahal nila ang isa't isa… XIAN, AYAW PANG PAKASALAN SI KIM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 14, 2023
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 14, 2023



For the nth time ay inakala ng marami na engaged na sina Xian Lim at Kim Chiu.


Sa tuwing lumalabas kasi ng bansa ang dalawa ay ito talaga ang inaasam-asam ng mga fans na mangyari — ang proposal ni Xian kay Kim.


Kagagaling lang ng dalawa sa Paris at ang hula ng mga fans, nag-propose na ang aktor.


“Wala po, wala pong naganap na ganu’n,” ang natatawang sabi ni Xian nang makatsikahan namin sa mediacon ng pelikulang Hello, Universe kung saan ay siya ang direktor.


Maraming fans kasi ang humula na may proposal nang nangyari dahil na rin sa mga posts nila na parang nagpapahiwatig na engaged na sila.


“Si Kim, mahilig siya talaga sa mga nice-looking pictures, tawag niya ru’n, mga IG-worthy pictures. So ako, nadadamay na rin ako.


“Natututo na ako kung paano nga ba umanggulo nang tama. Ang tawag yata ru’n, parang ideal worthy boyfriend,” paliwanag ni Xi.


When asked kung wala pa ba talaga silang plano na magpakasal, aniya ay work muna talaga ang kanilang priority.


“Trabaho muna. I think, very important na alam na namin sa isa’t isa na mahal namin ang isa’t isa. I think it’s all that matters.


“I understand na maraming nag-aabang, but sa amin, we’re very focused on work, darating at darating naman ‘yan,” he said.


Sa ngayon ay enjoy na enjoy nga si Xian sa pagiging aktor and director at the same time.


Noon pa ay matagal na niyang pangarap ang maging direktor at ngayon ay nagkakaroon na ito ng katuparan.


Sa Hello, Universe! ay masusubukan naman ang galing ni Xian sa pagdidirek ng comedy film. Pinagbibidahan ito nina Janno Gibbs at Anjo Yllana, kasama sina Sunshine Guimary, Gene Padilla at Benjie Paras.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page