top of page
Search
  • BULGAR

Ang laki raw ng tiyan at balakang… JULIA, PAULIT-ULIT NANG PINAG-UUSAPANG BUNTIS, TAMEME PA RIN

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 16, 2022



Nakakaloka ‘yung hindi pa nga nagsasalita sina Coco Martin at Julia Montes hinggil sa ayaw mamatay-matay na tsismis na may anak na sila, napapabalita na namang buntis ngayon ang aktres.


Hindi kasi nakaligtas sa mga mata ng netizens at televiewers na medyo iba ang katawan ni Julia ngayon base sa finale episode ng FPJ’s Ang Probinsyano last Friday.


Kapansin-pansin na sa last scene ng serye kung saan ay makikita ang long shot nina Coco at Julia sa tabing-dagat na medyo mataba ang aktres at malaki ang tiyan at balakang.


Kaya ang tanong ng mga netizens, buntis na naman daw ba si Julia at siyempre, asking din sila kung kailan daw ba magsasalita ang dalawa sa mga isyung ipinupukol sa kanila tulad nga ng may relasyon, may anak, engaged na at ngayon nga’y buntis na naman.


Well, sana nga, once and for all ay magsalita na sina Julia at Coco para naman mabigyan na ng kasagutan ang mga tanong na noon pa itinatanong sa kanila.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page