top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ang laki ng natalo sa kampanya, olats pa rin... ISKO, AYAW NA SA PULITIKA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 3, 2023
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 3, 2023




Labis kaming nanghihinayang kay Isko Moreno kung totoong ayaw na niya sa mundo ng pulitika. 'Yun ay galing mismo sa kanyang anak na si Joaquin Domagoso na nagbibida na rin ngayon sa pelikula.


Maaaring napagod nang husto si Isko Moreno sa kanyang pangangampanya noong nakaraang eleksiyon (2022) at posibleng dismayado sa naging resulta ng halalan.


Pareho sila ng naging kapalaran ng People's Champ na si Manny Pacquiao. Gumastos sila nang malaki sa kanilang pagtakbo sa mataas na posisyon. Hindi biro ang hirap na dinanas nila noong panahon ng kampanya.


Kung tutuusin, maganda naman ang naging record/performance ni Isko Moreno noong siya ay umupong mayor ng Maynila. Marami siyang achievements/projects na nagawa sa panahon ng kanyang panunungkulan. Naayos niya at nalinis ang Divisoria, ang Plaza Lawton, Liwasang Bonifacio at binuhay niya ang underpass.


Nai-restore rin niya ang makasaysayang Metropolitan Theater (MET) na matagal nang pangarap noon ng yumaong si Kuya Germs Moreno.


Nagpagawa rin siya ng mga pabahay sa Tondo para sa mga homeless na residente sa Baseco. At noong panahon ng COVID pandemic, nanguna ang Maynila sa pagbibigay ng libreng vaccines, ganoon din ng ayuda.


Sabi nga ng ilang political analysts, kung sana raw ay hindi agad nagmadali si Isko Moreno na tumakbo agad sa pagka-pangulo at nag-senador muna, tiyak na pasok siya sa Top 5 sa mga nanalong senador. Wala siyang gaanong hirap at gastos kung ang Senado ang kanya munang pinuntirya. Malakas ang laban niya!


Well, sa ngayon ay wala na raw kabalak-balak si Isko Moreno na pumasok muli sa political arena.


Tutulungan na lang niya ang showbiz career ng anak niyang si Joaquin Domagoso.


Nagtayo rin si Isko ng sariling media company. Mas marami na raw oras si Isko para makapiling ang kanyang pamilya!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page