Ang laki na ng ipinayat… CLAUDINE, UMAMING MAY PINAGDARAANAN, NAOSPITAL
- BULGAR
- May 11, 2023
- 1 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | May 11, 2023

Humanga ang marami sa katawan ni Claudine Barretto nu'ng mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda recently. Ang laki ng ipinayat ni Claudine ngayon.
For the longest time, inakala ng marami na 'di na maibabalik pa ng aktres ang dating porma ng kanyang katawan.
Bagama't hindi naman kaparehung-kapareho nu'ng kabataan niya ang katawan ni Claudine ngayon, but definitely, malayo na sa malusog niyang katawan for the past couple of years.
Pero, ilang araw pagkatapos ng guesting niya sa talk show ni King of Talk Boy Abunda, kumalat naman sa social media ang pagkakaospital ng aktres.
Last Monday ay ipinost ni Claudine sa kanyang Instagram ang picture niya habang nasa ospital. Kasama niya sa picture ang kaibigang volleyball player na si Lorie Lyn Bernardo at ang mga anak ng Optimum Star na sina Quia and Noah.
Dinalaw ni Lorie Lyn, member ng Creamline Cool Smashers, si Claudine sa ospital.
Caption ni Claudine sa nasabing IG post: "Thank you so much to my volleyball babies for visiting me."
Hindi naman nagbigay ng impormasyon si Claudine sa kung ano ang dahilan ng kanyang pagkakaospital.
Reply ng aktres sa follower niya na nag-post ng comment, "Not feeling well lang po. No need to worry. Thank you so much for all your prayers."
Ito naman ang sabi ni Claudine sa isa pang netizen na nag-comment sa kanyang post, "Thank you so much. May pinagdaraanan lang."
At least, inamin ni Claudine na meron siyang pinagdaraanan, unlike other stars na isinisikreto ang kanilang pagpapaospital.





Comments