Ang lakas sa GMA-7… JERIC, AFTER KAY BEA, KAY KYLIE NAMAN
ni Nitz Miralles @Bida | February 8, 2023

From Bea Alonzo, si Kylie Padilla naman ang makakapareha ni Jeric Gonzales sa Mga Lihim ni Urduja. Si Jeric ang love interest ni Kylie at sabi nito sa interview, nahihiya siya kay Kylie dahil ito pa ang nagtuturo sa kanya, lalo na siguro sa mga action scenes dahil parehong pulis ang kanilang mga karakter.
Hindi man ang karakter ni Jeric sa Start-Up PH ang end game ng karakter ni Bea, malaking bagay pa rin na makapareha ang aktres, lalo’t maraming Kapuso actors ang gustong makatrabaho si Bea.
Pero, si Jeric, hindi lang kasama sa cast, second lead pa at marami silang eksena na magkasama.
Ngayon naman, si Kylie ang kanyang love interest at ibig sabihin nito, isa siya sa mga Kapuso actors na ibini-build-up ng GMA-7 na maging leading man sa big female stars ng network.
Sa February 20 ang world premiere ng Mga Lihim ni Urduja at doon malalaman kung may chemistry sila ni Kylie.





Comments