Ang ka-live-in ng anak na si Carla… REY 'PJ', IBINULGAR NA NEVER PANG NAKAUSAP SI TOM

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | February 7, 2021

Magbabalik-showbiz ang beteranong aktor na si Rey "PJ" Abellana, at agad niya itong kinumpirma kasabay ng kanyang pagpirma ng kontrata sa Viva Artist Agency (VAA) nitong nakaraang araw sa isinagawang virtual presscon para sa kanya ng kumpanya.
Si Rey ang ama ng aktres na si Carla Abellana kaya't 'di naiwasang itanong at kumustahin sa kanya ang relasyon niya sa anak.
Kataka-takang inamin ng beteranong aktor na matagal na silang hindi nagkikita at nagkakausap ni Carla.
“It’s been a while na. We hardly see each other. Medyo madalang na kaming nagkikita ng anak ko na si Carla, madalang kaming nakakapag-usap," bungad niya.
Dagdag pa niyang pahayag, “Na-experience ko na 'yung sitwasyon natin sa industriya. Once na pumasok ka ng show business, talagang automatically, mawawala na 'yung oras mo sa pamilya mo.
“Mawawala rin ang oras mo sa girlfriend mo, sa karelasyon mo, sa kaibigan mo, to the extent na mawawala ang oras mo sa sarili mo mismo. Good for me, nauna akong pumasok ng show business, so I’m very much aware na ganu'n ang sitwasyon kaya hindi ako nagrereklamo.
“Hindi ako nagugulo na hindi na kami halos nakakapag-usap at halos hindi na rin kami nagkikita ng aking anak. As long as nakikita ko, nababalitaan ko na umaandar naman nang maayos ang career ng aking anak, so good enough on my side na malaman ko na masaya siya, na okey ang takbo ng career niya and wala namang problema.”
Ipinagtapat din ni PJ na hindi pa nito nakakausap man lang ang boyfriend o manugang-to-be para sa kanyang anak na si Carla na si Tom Rodriguez, ang ka-live-in ng aktres.
“Never yet. Never yet na nakapag-usap kami personally, privacy nila ni Carla. I really leave it to my daughter’s concern kasi si Carla naman, at this point, nasa tamang edad na rin at matalino naman siya, hindi pabaya sa sarili.
“So, naniniwala akong kaya nang harapin ni Carla 'yan. Sabi ko nga sa kanila, if worse comes to worst, nandito lang ako always, anytime. Nandito lang ako para sa kanila,” pahayag ng aktor.





Comments