Ang ipinalit kay Kim… XIAN, MALAYA AT SUPER HAPPY SA PILING NI IRIS

ni Beth Gelena @Bulgary | May 24, 2024

Um-attend sina Xian Lim at Iris Lee ng Cannes Film Festival sa France.
Very sweet ang couple kaya kahit umuulan ay hindi mapigilan ang dalawa na maglakad kesehodang magsiksikan sila sa iisang payong.
Ibang klase rin naman ang komento ng mga netizens na halatang faney ni Kim Chiu, ang ex ni Xian.
“D'yan na lang kayo, ‘wag na kayong bumalik.”
Sey naman ng mga fans ni Xian, “Saklap 'noh? ‘Yung idol mo pala nakipag-break tapos kayong faney, kung makasisi kay Xian at may pa-death threat pa sa lola n’ya. Aber, sinabihan ba kayo ng idol n’yo na itigil pagiging toxic fan n’yo? Hindi. Oh, ayan, magdusa kayo sa ngitngit!”
“I can feel Xian is truly happy and free, good for him.”
Tsika naman ng ibang mga netizens…“Sis, hindi manhid si Kim. Minsan lang, may mga taong ayaw makipag-break para hindi ma-guilty. Ipaparamdam lang hanggang sa ikaw na ang kusang bumitaw. Masasabi nga naman na hindi siya ang nakipag-break.”
“That’s according to Xian, in all stories, there are always two sides. So until Kim speaks, his story will just be like that — his story.”
“Hindi mo ba nabasa ang comment ng nakakarami? Kaya si Kim nag-initiate ng breakup dahil 11 years and going, walang alok, hindi ka pa ba bibitaw? Tapos, ang sisi kay Kim? Lawakan mo naman pag-iisip mo. Merong dahilan kung bakit nakipag-break, hindi dahil kay Paulo (Avelino).
“I feel bad for Kim. Idinadaan n’ya sa busy sa work at tawa ang sakit na nararamdaman n’ya.”
“Silent quitting si Xian. Hanapin mo sa Google ang meaning para alam mo.”
“I'm a Kim fan pero okay na rin ‘yan kesa piliting magpakasal dahil lang sayang 'yung matagal nang relasyon. Mukhang masaya si Xian at same page sila ni Iris ng goal, missions, vision and dreams. Same wavelength sila, maybe there was a time na same rin sila ni Kim, but people change and people outgrow people. Mukhang masaya rin naman si Kim kaya ‘wag na magmapait.”
Bagahe, na-delay ng dating…
JODI, NAKA-PAJAMA LANG HABANG NAGLILIBOT SA CHILE

Hindi na nakapaghintay si Jodi Sta. Maria na makuha ang late luggage para lang makapaglibot na sa bansang Chile.
Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ng aktres ang masaya niyang experience habang nagbabakasyon sa nasabing bansa.
Aniya, na-late ang kanyang bagahe, pero hindi raw 'yun naging dahilan para hindi siya agad makapag-explore sa bansa kahit naka-pajama getup lang siya.
“An uber delayed luggage won't stop me from exploring Chile in my airline pajamas! Stopped to watch the Chinchineros and enjoyed their performance. Hindi rin pwedeng palagpasin ang yummy empanada. Traveled 4 hours by plane from the Chilean capital of Santiago to visit Isla de Pascua in the Pacific. Ang ganda ng Moai statues, parang mga higanteng bantay ng isla. From exploring the vibrant streets to savoring every flavor, Chile has my heart #ChileExploration,” sey ni Jodi.
Nag-enjoy naman ang mga tagahanga ng aktres habang pinagmamasdan ng mga ito ang magagandang lugar na ishinare ni Jodi sa kanyang socmed (social media) account.





Comments