Ang ‘dugyot’ daw na ex-BF ni Andrea… JULIANA, BUMABA ANG TASTE NANG MAGING BF SI RICCI
- BULGAR

- 2 hours ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | March 13, 2026

Photo: IG @gomezjuliana & @ricciiirivero
Mukhang maraming hindi pabor kay Ricci Rivero para sa unica hija nina Richard Gomez at Lucy Torres na si Juliana Gomez.
Naispatan sa Lubao International Balloon and Music Festival 2026 sina Ricci at Juliana na magkasama at magka-holding hands habang nanonood ng performance ng Parokya ni Edgar at kasama rin nila si Maja Salvador.
Nang kumalat ang picture nila sa social media, ang daming nagtanong kung bakit daw si Ricci ang pinili ni Juliana.
Komento ng mga netizens…
“Naalala ko tuloy ‘yung dugyot issue n’ya, baka nagbago na.”
“LOL (laugh out loud), ang karma ni Goma.”
“Totoo naman, mapapa-‘Why, Juliana?’ ka talaga.”
“Wow! Sweet naman ni Ricci, panay halik kay Juliana.”
“Sure ka na ba r’yan, Juliana? Puwede pang mag-back-out, iha.”
“Mahilig s’ya sa mga red flags. Ex n’ya ‘yung Marco (Gallo) na ex ni Heaven (Peralejo).”
“Kaya pala sabi ni Goma sa interview n’ya kay Tito Boy, nu’ng tinanong s’ya about love life ni Juliana, sabi n’ya, may umaali-aligid daw, tapos sabi n’ya, ‘Ah, ‘yun pala ‘yun.’”
“Questionable lagi ang taste n’ya sa mga lalaki. Dati ‘yung Marco and now, si dugyot (Ricci).”
“Naalala ko ang reaction ng mga tao nu’ng pinatulan ni Lucy si Goma. Bakit, Lucy, bakit?”
“Parang si Goma nu’ng ganyang edad.”
“Nakow, biglang bumaba tingin ko rito sa anak nina Lucy. Dati, tingin ko, alta na sosyal. Pero bakit ganu’n, wala na bang iba? Wala ba ‘tong bet sa mga kaklase n’ya?”
Hindi naman masisisi ang mga netizens dahil sa dami ng mga negative write-ups tungkol kay Ricci nang maghiwalay sila ni Andrea Brillantes, kung saan marami ang nagsasabing ginamit lang nito ang aktres.
Tanong pa nga ng mga netizens, hindi raw ba napanood ni Juliana ang video noon ni Ricci na may kasamang girl na nahuli ni Andrea?
Well, sadyang ganyan talaga ang pag-ibig. Inlababo si Juliana Gomez kay Ricci Rivero at sinusunod niya ang itinitibok ng kanyang puso.
70-anyos na, pumapag-ibig pa rin…
SUPER RICH AT CLASS NA CEO, IPINALIT NI EDU KAY CHERRY PIE
OPISYAL nang magdyowa si Edu Manzano at ang founder and CEO ng TraXion Tech na si Ann Cuisia. Nakita silang um-attend sa kasal ng isang kaibigan nila na si Franco Mabanta.
Sey sa post, “This is true. PGMN (Peanut Gallery Media Network), anchors Edu Manzano and Ann Cuisia unequivocally hard launched their romance at Franco Mabanta’s wedding over the weekend.
“Congratulations to the new lovebirds from your Peanut Gallery family.”
Lumabas ang larawan ng dalawang personalidad sa Instagram (IG) ng pgmnofficial.
Heto naman ang komento ng mga netizens:
“HALA! Totoo pala?”
“Bye, Cherry Pie.”
“Iba ka talaga, idol, Edu. ‘Di lang pulis matulis. Proven.”
“Good, Edu. You found your new love life. Treasure her.”
Nasali pa sa komento ang new love birds na sina Aiko Melendez at Onemig Bondoc.
Sey ng mga netizens, “Okay, move over Tita Aiko (Melendez) and Tito Onemig (Bondoc), eto na ulit si Lolo Edu na pumapag-ibig.”
“Nyahahaha! May pa-hard launch pa si Lolo, eh, dinaig pa mga bata. Suwabe lang sana ang love life, Lolo Edu. Si Gabby (Concepcion) nga, eh, matagal nang gumarahe. Nag-stick to one na. Mas matanda ka pa ru’n.”
“70 years old na pala si Edu.”
Intrigero naman ang dating ng komento ng isa, “Mayaman yata ‘yung babae. Kalahati lang ang yaman ni Edu.”
“Mas class kesa kay Cherry Pie (Picache),” sabi naman ng isa pa.
“Magagamit n’ya si GF sa political ambition n’ya.”
“Na-sad ako for Cherry Pie.”
“Ang bilis mag-move on ni Edu, well guwapo at mukhang virile (manly) pa rin, so go.”
Wait, sino nga ba si Ann Cuisia?
Dati siyang nagtrabaho sa Office of the President of the Republic of the Philippines bilang IT consultant.
Nag-aral si Ann sa University of Santo Tomas (UST).
First time raw na nakita ang dalawang personalidad sa prayer rally noong Feb. 25 para gunitain ang ika-40 anibersaryo ng People Power Revolution.
Sa naturang event, namataan ang dalawa na magkahawak-kamay habang inaawit ang Ama Namin sa misa.
Kahit hindi raw nagsasalita ang actor tungkol sa relasyon niya kay Ann, napapansin na rin na dinadala ito ni Edu sa mga private gatherings.




Comments