Ang daming naging aberya… MOVIE NI RODERICK, 4 NA TAON BAGO NAIPALABAS
- BULGAR

- Aug 8
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | August 8, 2025
Photo: Roderick Paulate via Bulgar
Ipapalabas na ang comeback movie ng nag-iisang Roderick Paulate sa direksiyon ni Julius Ruslin Alfonso, ang Mudrasta: Ang Beking Ina (MAKI) mula sa CreaZion Studios.
Matagal na rin naming inaabangan nu’ng maikuwento sa amin ni Direk Julius na ang husay-husay at wala pa ring kupas si Roderick, or Kuya Dick na tawag sa kanya ng mga taga-showbiz, sa mga nakakatawa niyang eksena sa movie.
Kaya ang question sa naganap na media conference ng Mudrasta ay kung bakit natagalan bago maipalabas ang pelikula ni Kuya Dick na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan on August 20, Wednesday.
Ayon kay Kuya Dick, “Unang-una, I think, inabutan kami ng pandemic. So, s’yempre, hindi agad ipinalabas. Tapos, sabihin na natin na after nu’ng pandemic, s’yempre nabalitaan naman natin na hindi masyadong… medyo ayaw ng taong bumalik ng sinehan. “They really had a difficult time to think kung kailan talaga dapat ipalabas. So, marami silang inisip na playdates. So, in other words, to cut the story short, they really had a difficult time to think kung kailan dapat ipalabas.
“So I guess, after a while, doon nila naisip na, another reason… ‘Direk, dapat ikaw na sa part na ‘to, teknikal.’ So they have to cut it to… ‘Direk, gaano kahaba ang pelikula?’” tanong niya kay Direk Julius na katabi niya sa stage during the mediacon.
Pahayag ni Direk Julius, “Hmmm… ‘yung first cut kasi namin was more than two hours. And then, nag-viewing kami nina Kuya Dick, parang nahirapan kami to cut or edit out. Gusto namin, ‘yun ‘yung ano, and then, kailangan talaga namin s’yang i-cut into an hour and 40 (minutes).
“So, natagalan ‘yung editing namin and then, we decided na sige. Parang hindi pa s’ya panahon para ipalabas dahil nga sa attendance sa mga cinema.
“Very inconsistent after pandemic because people, nasanay na sa streaming.”
Until nag-regroup ang creative team ng Mudrasta last year.
“Kasi sabi namin, baka, ako naman for one, naniniwala ako it’s God’s perfect time. Laging ganu’n naman ‘yun, eh. So, hindi naman ako nawalan ng interest at all. Lahat kami, we remained in contact,” lahad ni Direk Julius.
Dugtong pa niya, “So, nag-regroup and then we opted, we decided on what to do and how to cut it. And then, ‘yun.
“May mga playdates supposedly, May for Mother’s Day. June for June bride. And then, we finally decided on an August playdate.”
Regroup means creatively nag-cut daw ang editor ng film.
Pagpapatuloy ni Direk Julius, “And then, T-Rex (Entertainment) kasi ito before. And then, nag-collaborate na sila with CreaZion.
“Iba ‘yung perception na gusto naming mangyari. Sa kanila, iba rin. Pero nagkasundo kami on what to do. So, it took some time for that.
“Naging happy kami sa nagiging… hindi naman compromise, nagiging resulta nu’ng final ano namin, edit.”
Ginawa nila ang Mudrasta taong 2021. After 3 years, ang daming nangyari sa industriya.
Kasama rin sa pelikula sina Tonton Gutierrez, Carmi Martin, Elmo Magalona, Ruby Ruiz, Sunshine Teodoro, Awra Briguela, Joel Saracho, Odette Khan and Ms. Celia Rodriguez. Introducing si Arkin Magalona.
Samantala, nilinaw ni Kuya Dick na nagsimula siyang gumanap bilang gay sa big screen sa pelikulang Charot. Hanggang sa nakita ng Seiko Films at Regal Films ang husay niya sa pagganap bilang gay sa pelikula.
Esplika ni Kuya Dick, “Gusto ko lang ikorek kasi parang ang notion ng publiko about sa gay roles ko sa comedy films all started sa Regal Films.
“Eh, gusto ko rin namang bigyan ng credit ang Seiko Films. Nagsimula kasi ang box-office ko, humility aside, sa Ako si Kiko, Ako si Kikay. Then followed by Leroy, Leroy, Sinta.
“Then, wala tayong magagawa… mabilis si Mother (Lily Monteverde, Regal Films), kinuha n’ya ako. Pinapirma n’ya ako ng kontrata, ‘yun na. Nangyari naman ang mga phenomenal films (ko) sa Regal Films.”
Trulili…










Comments