Ang dami raw issues, ayaw mag-promote… BEA, NAG-ABONO SA COSTUME SA MOVIE
ni Nitz Miralles @Bida | October 09, 2023

Nagsalita na ang manager ni Bea Alonzo na si Shirley Kuan o SK sa isyu nila ni Bea sa producer ng pelikulang 1521. Part one pa lang daw ng interview ni SK sa PEP ang inilabas, ibig sabihin, may susunod pa at hindi natin alam kung ilang part ang mahabang interview.
Suportado ng evidences ang interview ni SK at may timeline pa para malinaw. Ang unang nilinaw at ipinaliwanag ni SK ay ang wardrobe ni Bea.
Ang haba ng isyu sa wardrobe pa lang na isa-isang ipinaliwanag ni SK. Lumalabas na nag-abono si Bea sa wardrobe pa lang dahil hindi maisara ang zipper at kailangang ipa-repair dahil kung hindi ire-repair, baka raw bumaba ang mala-bra tops ng costume.
Sabi ni SK, “I don’t want her (Bea) to have a wardrobe malfunction in front of everybody?”
Bukod sa ipina-repair ang costume, nagpagawa pa rin si Bea ng duplicate at siya na ang gumastos. Ipinakita ni SK sa PEP ang costume at nakita nila ang kondisyon nito at kung bakit kailangang i-repair.
Ang dami pang susunod na paglilinaw at rebelasyon si SK, stay tuned sa part two at baka umabot pa sa part six ito sa dami ng isyu. Sasagutin din ni SK ang isyu kung bakit hindi raw magpo-promote si Bea ng nasabing pelikula.
Samantala, nagbabakasyon pa rin sa Europe si Bea at ang fiance niyang si Dominic Roque at baka next week pa ang kanilang balik. Kahit wala sa bansa ang aktres, may isyu pa rin sa kanya.
Pagbalik ni Bea, itutuloy niya ang taping ng series nila ni Dennis Trillo na Love Before Sunrise dahil hindi pa tapos ang taping nila. Pumapasok na sa story ang conflict sa relasyon nina Stella (Bea) at Atom (Dennis) dahil sa pamilya ni Stella.





Comments