Ang bilis daw naka-move on… JK, MAS GUMUWAPO NANG MAG-BREAK SILA NI MAUREEN
ni Julie Bonifacio - @Winner | June 13, 2022

Kahit tipid ay nakangiti ang latest picture na ipinost ng heartbroken singer na si JK Labajo sa kanyang Instagram kahapon.
This is his first photo na ipinost sa kanyang social media account pagkatapos kumalat ang hiwalayan nila ng kanyang girlfriend na beauty titlist na si Miss Philippines 2021 1st runner-up Maureen Wroblewitz.
Sa caption ng kanyang IG post ay mababanaag that he’s trying to focus na on his new life without Maureen.
“To new beginnings❤,” caption ni JK sa kanyang IG post yesterday.
In fairness, ang guwapo ni JK sa latest picture niya, ha? Lumutang muli ang cuteness niya nu’ng kasagsagan ng promo ng grand finalists ng The Voice Kids.
Pati ang sikat na BL actor na si Elijah Canlas ay ‘di nakapagpigil na mag-post ng comment sa paghanga sa kaguwapuhan ni JK.
“Pogi, grabe, woohhh!” comment ni Elijah.
May nag-comment namam na mas lumutang ang pagkakahawig niya kay Ely Buendia.
“Wow look-alike ni Eli B (Buendia).”
May nagtanong din kay JK kung paano maka-move on nang mabilis.
“Boss, tips naman pa’no maka-move on nang mabilis.”
Pilit na pinalalakas ng fans ni JK ang kanyang loob.
“Kaya mo ‘yan.”
“As supporters, we'll help you along the way. We got your back in your journey, okay? (sending virtual hugs)”
May nag-suggest naman kay JK na balikan ang pag-arte on screen.
“Hope you pursue acting again.”
Oo nga, why not?





Comments