Ang bilis daw bumigay, ex-BF, ni hindi nahirapan…
- BULGAR

- Jan 4, 2021
- 1 min read
Updated: Jan 9, 2021
HIRIT NG NETIZEN: ANDREA, PINAGSAWAAN AGAD NI DEREK KAYA HINIWALAYAN
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 4, 2021

Grabe naman kung makapanghusga ang ilang bashers na nagsasabing kaya raw hindi nagtagal ang relasyong Andrea Torres-Derek Ramsay ay dahil nagsawa agad ang morenong aktor.
Nawala na raw kasi ang challenge para sa kanya sa pakikipagrelasyon kay Andrea dahil bumigay agad-agad ang seksing aktres at hindi siya nahirapang paibigin ang naging kapareha niya sa The Better Woman.
Mas type raw ni Derek 'yung pinahihirapan siya ng babae at 'yung may pagkamisteryosa ang dating.
Sa kaso ni Andrea, sobra-sobra raw na minahal nito si Derek at naging sunod-sunuran na lang sa nobyo. Halos hindi na rin sila naghihiwalay kaya medyo nasakal si Derek sa pagiging clingy ni Andrea.
Well, hindi kami agree sa opinion na ito ng mga bashers. In fact, bow kami sa paninindigan ni Andrea dahil kahit mahal na mahal niya si Derek ay nagawa niyang patunayan na hindi siya ang tipo ng babaeng papayag sa live-in lang.
Naging assertive siya sa kanyang karapatan na mapakasalan ng lalaking kanyang minahal. Binigyan niya ng dignidad ang kanyang sarili, kaya kahit masakit ay nagdesisyon siyang tapusin-putulin na ang relasyon nila ni Derek Ramsay, tutal naman ay wala pa ngang balak ang aktor na mag-settle down at bumuo ng pamilya.
Sayang at pinakawalan ni Derek si Andrea na ideal na maging life partner at ina ng kanyang mga magiging anak.





Comments