Search
  • BULGAR

Ang bagong TMX125 Alpha mula sa Honda

ni Fely Ng - @Bulgarific | February 4, 2021





Hello, Bulgarians. Sa bagong normal ngayon, ang mga motorsiklo ay naging mas in-demand kaysa dati. Sa mga quarantine guidelines na ipinatutupad sa buong bansa, nakatulong ito upang makaiwas sa panganib ng pandemya.


Gayunman, mula nang manganib ang kalusugan at kaligtasan ng tao, naging mahirap ang maglakbay patungo sa trabaho, bahay, o saanman kailangang puntahan. Ang Honda Philippines Inc. (HPI), ang No.1 tagagawa ng motorsiklo sa bansa ay tumugon sa pangangailangan ng mga commuters, sa paglabas ng bagong TMX125 Alpha, na pinalakas ng Overhead Valve (OHV) engine na gumagamit ng isang push rod upang balansehin ang acceleration at kontrol para hassle-free habang bumibyahe. Samantala ang likurang sprocket ay ginawang mula 44T hanggang 38T, para sa pang-araw-araw na gamit at matipid din sa gasolina.


Ito ay may mga natatanging kulay, tulad ng Candy Ruby Red at Black. Nagdagdag din ang HPI ng bagong premium na kulay, ang Matte Armored Silver Metallic. Ang suggested retail price ng TMX125 Alpha ay Php51, 400 at available ito sa lahat ng Honda dealerships kasama ang Honda genuine spare parts.


“Honda has always been committed to ensuring that Filipinos' everyday needs are met through our motorcycles. With the new normal changing industries and lives, we want to help riders have the upper hand in facing these challenges to continue providing for their families, guaranteeing that with The New TMX125 Alpha, Angat Ka!” pahayag ni HPI President Susumu Mitsuishi.


Ang TMX125 Alpha ay isa lamang sa malawak na hanay ng mga motorsiklo ng Honda, na binago para sa mga Pilipino, na umaayon sa kampanyang “ONE DREAM” ng kumpanya, na naglalayong matupad ang kanilang pangarap sa pamamagitan ng saya sa kadaliang kumilos na ibinibigay ng mga motorsiklo.


Para sa karagdagang detalye tungkol sa mga produkto at promosyon ng Honda, bisitahin ang kanilang website sa www.hondaph.com at sa Facebook, Honda Philippines, Inc., at maging sa Instagram, @hondaph_mc. Maaari rin tumawag sa (02) 85816700 – 6799 at 0917-8846632.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.