top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

ANDREW E., TODO-DENY NA NAKABILI NG 2 SPORTS CAR DAHIL KAY BBM

BULGAR
Jul 3, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | July 3, 2022




Dahil si Andrew E. ang naging pambatong singer-performer sa campaign rallies ng BBM-Sara UniTeam, may lumabas na tsikang milyun-milyon ang kanyang kinita kaya nakabili ng 2 mamahaling sports car.


Agad naman itong idinenay ni Andrew. Hindi raw ganu'n kalaki ang kanyang talent fee kumpara sa mga sikat na celebrity performers.


Ganunpaman — at para sa kaalaman ng marami — kahit na hindi kasama si Andrew E. sa BBM-Sara UniTeam, can afford siyang makabili ng sports car. May mga negosyo siya na noon pa niya pinagkakakitaan.


At kahit na dumaan pa ang COVID pandemic at walang gaanong shows ang mga singers na tulad niya, hindi naman siya gaanong naapektuhan. Kahit paano ay meron siyang naisubi at naipundar at hindi lang siya sa showbiz umasa upang maka-survive.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page