top of page
Search
  • BULGAR

ANDRES, CLOSE KAY CHARLENE PERO 'DI MAMA'S BOY

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 21, 2024



Disente at napaka-charming ni Andres Muhlach, ang anak nina Charlene Gonzalez at Aga  Muhlach na kakambal ni Atasha. 


Matangkad at guwapo, may pagka-modelo at heartthrob talaga ang datingan ni Andres.


Kita sa personalidad niya na maganda ang kanyang upbringing. Hindi siya burgis at hindi mayabang. Napakasimple at humble niya dahil ito ang itinuro ng kanyang parents.


At his age, certified NGSB (no girlfriend since birth) si Andres Muhlach. Pero hindi raw siya mama’s boy. Close siya sa kanyang Mommy Charlene ngunit madalas naman ang bonding  nilang mag-ama.


Maraming advise sa kanya ang kanyang Daddy Aga ngayong papasukin na rin niya ang showbiz. Sey nito, ugaliin daw ang magandang pakikisama sa lahat ng makakatrabaho niya, bigyan ng respeto ang mga veteran stars at maging professional sa trabaho. 


Samantala, ‘di na rin maninibago pa si Andres Muhlach sa kanyang unang TV show which is ang Da Pers Family dahil makakasama niya ang kanyang mom, dad at si Atasha.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page