top of page

ANDREA, UMAMING NAPUNTA SA FRIENDS NA BAD INFLUENCE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 29, 2023
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 29, 2023



Sa edad na 20 ay marami na ring pinagdaanang pagsubok sa buhay si Andrea Brillantes kaya naman hindi kataka-takang ang aga niyang nag-mature at maagang pinatatag ng panahon.


Sa screening and mediacon ng bago niyang TV series sa Dreamscape Entertainment na Senior High, kitang-kita ang maturity ni Andrea at sa tingin nga namin sa kanya, kahit anong unos pa ang dumating ay makakaya na niyang lampasan.


Isa sa mga naibahagi ni Andrea sa mediacon ay ang isang madilim na parte ng buhay niya kung saan ay napasama siya sa mga maling kaibigan.


Naitanong kasi sa aktres kung naka-relate ba siya sa karakter niya bilang si Luna na laging naba-bash at nabu-bully.


Dito naikuwento ni Andrea ang naging karanasan sa kamay ng mga kaibigan to the point na ginawa siyang alila or yaya.


“Mas nakaka-relate po ako with Luna kasi, actually, there was a point in my life na parang napasok din ako sa friend group, tapos akala ko, friends ko sila hanggang sa nari-realize ko na ‘Oh, my God, unti-unti na akong ginagawang alila or yaya nila.’


“Tapos, hanggang sa ‘yung friends ko, parang, ‘Huh? Nabu-bully na pala ako,’ and ‘yung mga friends ko na ‘to, galing din po sila sa mga prestigious schools. Tapos, sobrang mga below the belt na rin ‘yung mga ginagawa nila sa ‘kin,” kuwento ni Blythe (real name ni Andrea).


Dahil sa mga ginagawa sa kanya ng mga kaibigan niyang ito ay naapektuhan na raw ang kanyang mental health.


“Sa friend group na ito, hindi naging maganda ‘yung mental health ko, I was at my lowest, I was so young. Hindi ko na kilala ang sarili ko, sobrang napunta ako sa friend ko na bad influence po talaga,” aniya.


Pero thankfully ay nakalabas naman daw siya rito at nagawa niyang buoing muli ang sarili and came out as a better and stronger person.


“Luckily, thank you sa Diyos, nakawala ako ru’n and nahanap ko naman na ‘yung sarili ko and ‘pag tinitingnan ko na lang siya, oo, ‘yun ako dati, pero ngayon, mas matapang na ako and tinitingnan ko siya na kinailangang mangyari ‘yun sa buhay ko,” pahayag ni Andrea.


Pagdating naman daw sa mga bashers, aniya, wala na siyang magagawa rito.


“Sa bashers naman online, wala, eh. Wala akong magagawa sa kanila, eh. Lahat ng gagawin ko, papansinin nila, eh. Di okay. At least, ‘eto pa rin naman ako,” she said.



When asked kung sino na ang mga friends niya ngayon, ayon kay Andrea ay sina Bea Borres, Criza Taa at Danica Ontengco. They have a group called ABCD girls na acronym ng first letter ng kanilang mga names.


Binanggit niya rin sina Xyriel Manabat at Kyle Echarri na mga co-stars niya rin sa Senior High.


Samantala, ang Senior High ay isang youth-oriented mystery-thriller TV series kung saan ay gumaganap si Andrea bilang kambal na sina Luna and Sky na magkaiba ang personalidad.


Napanood namin ang first 3 episodes sa screening at wala kaming masabi sa husay ni Andrea talaga. Naipakita niya agad flawlessly ang magkaibang personalidad ng dalawa niyang karakter.


Iniba niya ang ayos, boses, nuances at kilos in each character na mahirap gawin, huh!


Lumutang na rin agad ang acting prowess ng mga magagaling na senior stars na sina Angel Aquino at Baron Geisler sa first 3 episodes.


Hindi rin nagpahuli ang mga young ones tulad nina Kyle, Elijah Canlas and Daniela Stranner na kinakitaan na agad ng husay sa kanilang mga eksena.


Nagsimula na kagabi, Monday ang Senior High at mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 9:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV at TV5! Mapapanood din ito sa iWantTFC at TFC.


Kasama rin sa powerhouse cast sina Sylvia Sanchez, Mon Confiado, Desiree del Vale, Zaijian Jaranilla, JK Labajo, Gela Atayde, Miggy Jimenez, Kean Cipriano, at Tommy Alejandrino mula sa direksiyon nina Onat Diaz and Andoy Ranay.





Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page