top of page

ANDREA, UMAMING 2 YRS. AND 3 MONTHS NAGING BF SI SETH, NAG-BREAK NU'NG OCTOBER

  • BULGAR
  • Apr 13, 2022
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | April 13, 2022



“This is my truth. You can do whatever you want with it basta masaya na po ako. I love you all so much. Wala nang away-away please, thank you. BTW, yes, gumawa po ako ng script beforehand kasi I didn’t want to miss out on any detail and my statement will remain composed and clear for everyone,” ito ang caption ni Andrea Brillantes sa ginawa niyang Instagram live nitong gabi ng Martes.


Ayon sa aktres ay ayaw sana niyang gawin ito dahil masaya ang puso niya, pero dahil sa kaliwa’t kanang pamba-bash sa kanya ay kailangan na niyang magsalita sa una at huling pagkakataon.


Bago ang lahat ay pinasalamatan muna niya ang ka-love team na si Seth Fedelin dahil ipinagtanggol siya kamakailan.


“I would like to say thank you kay Seth Fedelin for speaking up. Thank you, Ali (term of endearment nila) dahil hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako pinabayaan.


“Alam ko na these past few months ay napakahirap para sa atin, para sa ating dalawa, para sa ating lahat, and I have my respect for you dahil kinaya mo pa rin akong ipagtanggol at alam kong gustung-gusto mo na ring magsalita.”


At inamin na rin ni Blythe (tunay na pangalan ni Andrea) na hiwalay na sila ni Seth noong nakaraang taon pa.


“We broke-up last year, early October ‘yun, and it was a painful breakup. But it was a mutual decision, ‘yung paghihiwalay namin. We both love each other truly and deeply.


“We learned so much from each other and in the end, we realized na we weren’t growing as individuals na.


“Lahat ng fake news at pag-a-assume n’yo sa relasyon namin, hindi po totoo ‘yun. We ended in good terms at ‘yun naman ang importante.


“We promised each other na magpapatuloy pa rin kami sa work namin because we love each other as friends and we also like the company of each other as actors at gusto naming matupad ang pinag-usapan namin two years ago para sa mga pangarap namin.


“Basta inirerespeto ko si Seth Fedelin at inirerespeto ko ang love team namin at mahal na mahal ho namin ang mga fans namin,” pagtatapat ng aktres.


Umamin si Andrea na nasaktan siya sa nag-viral na larawang magkasama noon sina Seth at Francine Diaz sa bahay ng dalaga bago sumapit ang Bagong Taon.


“I have no contact when I saw the pictures, so I made a Tiktok that everything gets worst. I know that I should have asked first or I should have consulted my managers before posting or sana, nanahimik na lang ako. Pero sana, guys, maisip n’yo na tao lang din ako.


“And it was my first heartbreak, so, hindi ko talaga alam kung paano iha-handle. But I couldn’t blame you, guys, kasi never naman kami nag-out sa relationship namin kaya kahit sinasabi ng mga tao na wala akong karapatan kasi never namang naging kami, masakit, kasi actually, naging kami (Seth) for two years and three months.


“Kaya nga I used that song (Lose You to Love Me – Selena Gomez) because the lyrics in that song was the most accurate and relevant to what I was feeling. Wala rin naman akong sinisisi, ayokong manira ng tao. Nagulat lang din ako and I was just really hurt kasi kaibigan ko pa ‘yung kasama.”


At pagkatapos niyang i-post ang TikTok na kumakanta siya ng Lose You to Love Me ay maraming fake news na ang kumalat.


“Wala pong totoo ru’n, hindi ko po dyowa ‘yung mga ipinagkalat n’yo na kasama kong lalaki sa pictures. At pinakaimportante po sa lahat, hindi po ako nanugod (kay Francine) sa dressing room. Hindi po talaga,” diin ni Blythe.


At ngayong nagpaliwanag na siya, sana raw ay tapos na rin ang lahat ng isyung ikinakalat tungkol sa kanya na fake news naman.


“Masaya po ang puso ko now at malapit na ang eleksiyon, vote wisely,” pagtatapos ni Andrea.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page