top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

ANDREA, TODO-DIIN NA 'DI PINAGSABAY SINA SETH AT RICCI

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 14, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 14, 2022




Nilinaw ni Andrea Brillantes na hindi si Ricci Rivero ang dahilan ng breakup nila ni Seth Fedelin. In fact, pinalipas muna raw niya ang “3-month rule” bago siya nagdyowa ulit.


Ito ang ipinahayag ng aktres sa panayam sa kanya ni Karen Davila sa vlog ng batikang broadcast journalist.


“Wala po talaga akong plano na mag-boyfriend na ulit kasi galing po ako sa biggest heartbreak ko,” aniya.


Lost na lost daw siya that time dahil bukod sa breakup, namatay ang tita niya at kasabay din nito ang iba’t ibang issues sa kanya, dahilan para makatanggap siya ng sandamakmak na bashings.


Isa na nga sa mga naging issue sa kanya ay nang ma-link siya kay Ricci at inakusahang nag-two-time kay Seth.


“Wala naman na kami, at saka pinalipas ko ‘yung 3-month rule. Pinalipas ko po ‘yun at saka talagang pumitik lang ako na ‘I deserve more, I am worth more than this.’ Lahat ng ginawa ko, napakabuti kong tao. Kung hindi nila nakikita ‘yun, sila na ‘yun,” she said.


Balak niyang mag-focus na lang muna sa kanyang career after the breakup pero biglang dumating daw si Ricci sa buhay niya.


“Nu'ng nakita ko siya, wala na rin naman kami ng ex ko nu’n. So, para lang sure, wala pong third party or anything. Saka nu'ng nakita ko siya, sawi pa rin ako sa isa at alam din naman ‘yan ni Chi (Ricci),” kuwento ni Andrea.


Besides, hindi raw siya mahilig talaga sa basketball player dahil ang alam niya raw sa mga ito ay manloloko.


Anyway, sa panayam ay hindi binanggit ni Andrea ang pangalan ni Seth pero alam naman ng lahat na kagagaling lang niya sa breakup sa aktor nang ma-link sila ni Ricci.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page