ANDREA, TAMEME NA DAHILAN DAW NG HIWALAYANG DANIEL AT KATHRYN
ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 11, 2023

Bilog talaga ang mundo!!!
Imagine, kamakailan lang, si Andrea Brillantes ang 'underdog' sa naging hiwalayan nila ni Ricci Rivero, habang bina-bash ang kanyang ex-BF lalo na nang kumpirmahin nitong girlfriend na niya ang Laguna councilor na si Leren Mae Bautista.
Fast forward ng ilang linggo, heto't si Andrea naman ang itinuturong third party sa sinasabing hiwalayan ng longtime showbiz sweethearts na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Nagsimula ang pagdawit kay Andrea sa isyu ng hiwalayan ng KathNiel nang may source ang diumano'y nagsabi kay kapatid na Ogie Diaz na palihim na nagkikita sina Daniel at Andrea.
Ini-report ito ni Mama Ogs (Ogie) sa kanilang YouTube vlog kasama sina Mama Loi at Tita Jegs, at du'n na nga nagsimulang mataranta at mag-panic ang mga KathNiel fans.
May ilang naniniwala sa ini-report ni Ogie dahil kapansin-pansin naman daw talaga na mukhang may 'distancia amiga' na nagaganap ngayon kina DJ at Kath, lalo't kamakailan ay nagbakasyon si Kathryn na mga kaibigan lang ang kasama at hindi si Daniel.
Pero may ilan namang nagsasabing baka part lang ng promo ang hiwalayan issue na 'yan dahil hindi nga kasama ni Kathryn sa movie niyang A Very Good Girl si Daniel, habang si Zanjoe Marudo naman ang kasama ng aktor sa next movie project niya.
Kumbaga, dahil pareho silang ibinebenta ngayon as individual stars, kaya pinaniniwala ang mga fans na hiwalay na sila at kani-kanya muna ng career.
Well, hindi naman ito ang first time na nabalitang hiwalay na sina Kathryn at Daniel, pero kibit-balikat lang ang lagi nilang isinasagot sa mga tsismis sa kanila.
Kaya naman ang inaabangan ng lahat ay ang pagsasalita at paglilinaw ni Andrea sa pagkaka-link niya kay Daniel.
Aba, hindi nga naman birong issue ito na dapat lang ipagsawalang-bahala ni Andrea lalo't kamakailan nga lang ay siya naman ang sinasabing 'biktima' ng pagtu-two-time.
So, hindi naman siguro gugustuhin ni Andrea na maakusahang "mang-aagaw, ahas, boyfriend snatcher" at kung anu-ano pa ng mga fans ni Kathryn Bernardo.
Kaya ang hamon kay Andrea ngayon, kung totoong hindi siya guilty sa akusasyon sa kanya, bakit tameme pa siya, bakit hindi siya magsalita at diretsahang idenay ang sinasabing 'lihim niyang pakikipagkita' sa boyfriend ni Kathryn Bernardo?
Ohhh… 'yun lang naman 'yun!
Ipinaubaya na lang sa utol na si Sen. Bong…
PRINCESS,’DI FEEL PUMASOK SA PULITIKA

Super na-appreciate namin ang intimate chikahan with the ever beautiful sister of Sen. Bong Revilla, Jr. na si Ms. Princess Revilla kahapon sa isang hotel sa BGC, Taguig.
Nope, hindi siya magbabalik-showbiz kaya siya humarap sa ilang press. Actually, hiyang-hiya at halos ayaw magpainterbyu o magkuwento man lang sa amin ni Princess dahil hindi raw siya sanay nang iniinterbyu.
Dati ring artista ang magandang anak ni the late Sen. Ramon Revilla, Sr., pero may tatlong dekada na nitong iniwan ang showbiz mula nang siya ay mag-asawa.
Mas pinili ni Princess ang tahimik na buhay at kesa mag-showbiz, nag-focus siya sa kanyang construction business kung saan katulong na niya ngayon ang kanyang panganay na anak.
Happily married pa rin naman siya pero very private ang kanyang mister kaya hindi niya sinabi sa amin kung ano'ng business nito, basta businessman lang ang sinabi niya sa amin.
Tatlo ang kanilang naging anak at 'yung pangalawa niyang anak na lalaki, konsehal daw ngayon sa Cavite, samantalang 'yung bunso ay magtatayo naman daw ng skin care business.

Actually, hindi naman na kailangang magnegosyo sana ni Princess dahil bukod sa galing siya sa mayamang angkan, eh, kayang-kaya naman siyang buhayin ng kanyang mister.
Pero dahil sa advocacy ni Princess na gusto niyang makatulong sa mga batang inabandona at nangangailangan ng tulong, nagtayo raw siya ng construction business para may sarili siyang pera at magawa ang misyon niya sa buhay na gustung-gusto niyang ginagawa.
So, thru her Princess Revilla foundation na year 1998 pa pala niya itinayo in honor of the memory of her dear mom, Donya Azucena Mortel-Bautista, ang dami-dami na ngang batang naging beneficiary ng Princess Revilla Foundation, Inc. (PRFI) mula nu'ng 2021.
Medyo matagal napahinga ang pagtulong ni Princess dahil nga sa ilang naging problema pero nu'ng 2021 ay naging aktibo siyang muli sa kanyang foundation at ngayon, masayang-masaya raw siya na maraming bata ang kanyang natutulungan sa pamamagitan ng kanyang gift-giving.
In fact, last October 29, 2023, sa Bgy. Habay II, Bacoor City, 400 bata na may edad 3 to 12 ang napasaya ni Princess sa kanyang mass feeding at gift giving kung saan bukod sa mga laruang kanyang ipinamigay ay nagkaroon pa ng mga fun games.
Tinanong namin si Princess kung may balak ba siyang tumakbo sa pulitika kaya ginagawa niya ito pero todo-iling siya at aniya, advocacy lang talaga niya ito.
Ipinauubaya na raw niya sa kanyang mga kapatid at kamag-anak ang pulitika at sinusuportahan na lang din niya lalo na ang kanyang younger brother na si Sen. Bong Revilla sa mga proyekto nito.
Samantala, sa chikahan namin kay Ms. Princess, natanong namin kung ilan ba talaga silang magkakapatid sa kanyang amang si the late Sen. Revilla.
Aniya, as far as she knows, nasa 60 plus sila, at hindi raw totoo 'yung mahigit 80 silang magkakapatid.
Maayos na maayos daw ang relasyon nilang lahat dahil nawala ang kanyang ama na naayos naman nito ang hatian ng kanilang mga mana at wala silang issue sa pera.
Kapag may problema raw ang iba nilang kapatid, handa rin silang tumulong anytime, dahil kung sa ibang tao nga naman, nakakatulong sila, sa mga kapatid pa ba nila sa ama sila magdadamot?
'Yun ang sobrang nakakabilib sa pamilya Revilla, kahit ang dami-dami nilang magkakapatid, wala tayong nabalitaang nag-away-away sila.
Oh, 'di ba naman?





Comments