top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

ANDREA, NADALA KAY DEREK, SECRET NA ANG NEXT BF

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 23, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 23, 2022



Ilang grupo ng kalalakihan ang nagtatanong kung single at available pa rin ba ang sexy Kapuso actress na si Andrea Torres?


Pagkatapos ng breakup nila ni Derek Ramsay, mukhang na-trauma na si Andrea at ayaw munang makipagrelasyon. Ipinahinga muna niya ang kanyang puso.


Pero marami pa rin ang nagpaparamdan na guys kay Andrea. Ang iba sa kanila ay kapwa niya artista.


Although heartbroken, nakayanan naman ni Andrea at naka-move on na sa kabiguan sa pag-ibig. Tinanggap na niya sa sarili na hindi talaga sila ni Derek ang itinakda para sa isa't isa.


At this point of her life, ayaw niyang mabuhay sa gitna ng galit, lungkot, paninisi at panunumbat.


Hindi man naging malinaw sa lahat ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ni Derek, kahit paano ay naka-move on na siya at naghilom na ang mga sugat sa kanyang puso. Nagpo-focus na lang siya sa kanyang career.


Gayunman, hindi rin inaalis ni Andrea ang posibilidad na magkita silang muli ni Derek at lubusan na niyang mapatawad ang aktor.


Sa ngayon ay wala pang ipinakikilalang sinuman si Andrea sa hanay ng kanyang mga suitors-admirers. Nangangahulugan lang na single siya at available


At kung sakaling magmamahal siyang muli, tiyak na ililihim na niya ito sa publiko, hindi katulad ng relasyon nila noon ni Derek na pinagpistahan ng buong showbiz!


Anyway, excited si Andrea na maging bahagi ng malaking history serye ng GMA Network, ang Maria Clara at Ibarra na pagbibidahan nina Barbie Forteza, Dennis Trillo at Julie Ann San Jose.


May guest role si Andrea bilang si Sisa. Isa itong markadong role na hahamon sa kanyang kakayahan bilang aktres.





Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page